Thursday, July 10, 2008

Francism

I was in highschool ng ma head over heels ako kay Kiko. I even asked my ex na yun na lang tape nya bigay sa akin sa monthsary namin... hehehe mabait naman at masunurin yun nga ang ibinigay niya sa akin. Salamat ex hindi kita makakalimutan dahil sa tape :P


Last na uwi ko nga sa Pinas ni check ko pa yung box na pinaglalagyan ko ng mga Francis M records collection ko. Kahit di ako sure kung tutunog pa yun hehehe, ang mahalaga andun pa sila kahit yung mga cover na lang ang nakita ko nagpapasaya pa din sa akin yun. Besides wala naman na kaming casette player hehehe.

Isa ko pang ginawa ay yung magpunta dun sa Neo-Chinatown store yung malapit sa Mall of Asia para sana makabili ng pandagdag ulit sa collection ko na mga FMCC t-shirts. Dalawa naman ang reasons kung bakit ako nag cocollect una syempre love ko si Kiko and pangalawa proud Pinoy ako at saka para kakaiba naman shirts ko dito.

Mahilig kasi ako mag collect ng kung anu-anong merchandise like shot glass ng mga state na napupuntahan ko, magnet na panlagay sa ref, snow globes , mga ibat-ibang kulay ng Lacoste na t-shirts, Planet Holywood, Hard Rock Cafe at saka pala bean bears.

Dati mga Spoof shirts yun naisipan ko i-collect kaso wala naman ng bago. Mabuti na lang nakaisip si Idol na magtayo ng FMCC.

Here are some of my collections. Isa na lang ang di ko pa naisusuot... and baka di ko na nga isuot kasi baka mabura yung signature hehehe.

















Sana may magregalo sa akin ng kulay purple saka kulay brown kagaya ng suot ni Idol ....Tsk bakit kasi hindi na uso ang monthsary ngayon hehehe.
Anyways, salamat ulit sa pagpose mo at pag greet sa akin sa pagkakaroon ko ng green card. Sana pag-uwi ko ako na mismo ang magpasign at saka makapag papicture pa. At kundi kalabisan maka duet sa pag rarap ... ( Ala nman daw imposible kaya humiling na ng humiling... libre naman yun)

13 comments:

al mizan - 017 7165890 said...

Hi Friend,
Just stop by to say hi,
Wish you have a great day.
Take care

Anonymous said...

I like the way you wrote this kind of blog.


federal perkins loan

Anonymous said...

naku ang saya mo ha. i still remember nung highschool tayo nagrarap ka. heheeh! alam ko di ka makakatulog sa kakaisip kay francis m.

Anonymous said...

Wow! Andami mong francisM shirts! Paborito ko rin si FM, meron din ako dating tape niyang yan eh! Kaso nahiram sa 'kin nun di na isinoli.

Buti na lang nakahanap ako ng mp3 niyan kaya napapatugtog ko pa rin.

Napadaan lang po. God Bless!

Anonymous said...

@ ate lani - hehehe sinabi mo pa... kasi ang tingin ko kay Francis nuon si "G" ... o ngayon lam mo na hehehe.

@kikomatsing - Hi Kiko! Salamat sa pag bisita, ni add ko link mo... kaso pahinga ka pala sa blogging... sana balik ka ulit.

Anonymous said...

naalala ko tuloy noong highschool ako, sa prom namin. syempre, after nang isang oras na sweet dancing eh magra-running man muna kami sa mga hits ni FrancisM, kahit naka-leather shoes. at memorized ko pa nun ang lyrics ng Mga kababayan.:)

Anonymous said...

Libay matagal ko na gustong bumili ng TSHIRT nya at hindi ko lang alam kung may kakasya sa akin.. tsaka sa bang branch nakakabili nun, ang alam ko kasi sa greenhils pero ayoko pumunta dun nalalayuan ako... meron ba sa Megamall o sa MOA?

Anonymous said...

@bro utoy... ay parang di ko maimagine nag rurunning man ka lolz!

@bluep - dun sa malapit sa MOA yung Neo-Chinatown ... pero pagpupunta ka dun sa bandang hapon kasi medyo late na sila nag bubukas. Para safe mga 3pm :)

Anonymous said...

@bluep - may kasya sa iyo... oks naman yun katawan mo ah... base dun sa picture sa blog... unless luma na yun lols... siguro Large ka :P

Anonymous said...

Considering the fact that it could be more accurate in giving informations.

ulik said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

eto na uli comment ko..hehehe di na marunong amg computer... ganda ng tshirt ni francis sana nga ikaw mismo ang maka pagpapirma sa kanya.

Anonymous said...

elow te beng... enk u sa pagdalaw... after 5 years dumalaw ka din hehehe.