Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Wednesday, October 01, 2008

Goodbye

Please update your link with my new blog site:

http://wouldificould.wordpress.com/

Thank you.


Libay

Monday, September 29, 2008

Naisip ko lang

Kausap ko kahapon yun isang barkada ko. Syempre ano pa ba ang topic kundi yung dapat idadate nya na di natuloy kasi nagbago ang isip niya. Nagkaroon na din ng takot makipag relasyon pagkatapos pumalpak yung una. Pero syempre gusto niya ulit ng bago dahil para sa kanya kailangan niya ng somebody sa buhay niya.

Bigla ko naisip... bakit ako parang di ko iniisip yun... na kailangan ko ng somebody sa buhay ko. Yung nanay ko nga palagi sinasabi sa akin anak mag-asawa ka na ok naman na kami... na provide mo naman na lahat... isipin mo naman ang sarili mo. Hehehe pag teen ager ka pa lang di mo madidinig sa parents mo yan... Ang sasabihin sa iyo mag-aral ka mabuti at wag ka muna magpapabuntis.

Bakit nga ba parang masaya na lang ako na nagwowork at nagplaplano kung anu-ano pang places ang gusto kong mapuntahan. Natutuwa ako sa mga bagong technology na natutunan ko at napapaglaruan... Di na yata ako normal hehehe. O baka nakarma ako sa mga kalokohan na pinag-gagawa ko. Kung karma sana ito ng plurk malamang nasa Nirvana na ako.

Kung bakit naman kasi madali ako magsawa at ma bore... O di kaya dahil masyado ako maagang kumirengkeng? Grade 6 ... maaga na yun diba? pero sa ngayon baka hindi na. Asaan na kaya si first love? Grade 5 pa lang love team na kami... tsk kung bakit naman kasi nung nagkita kami ulit nung high school may boylet ako tapos asa pa siya na magbabalikan kami.

Kung alam ko lang na sobrang matapobre yung parents nung boylet ko noon at kahit inabot kami ng 4 years eh sa wala lang din mapupunta sana kipagbalikan na lang ako kay first love...

Kung bakit naman kasi masalimuot ang buhay... nanahimik ka sa isang tabi biglang may magpaparamdam sa iyo ng kakaiba... sasambahin ka at ilalagay ka sa pedestal... tapos akala mo ok at masaya then sa huli di naman pala... Masyado kasi akong naging playful... masyado ako natuwa sa mga panandaliang kasayahan... masyado kong sinasaliksik ang mga bagay na nacucurious ako... Tuwang-tuwa ako sa mga nakaka challenge na bagay...

Tapos may dadating sa buhay mo na pakiramdam mo soulmate kayo... akala mo pwedeng magtagal kaso iiwan ka din naman pala at pupunta sa kabilang dulo ng mundo...

May panahon na ma oobsessed ka dahil natutuwa ka sa pagiging kakaiba niya. Yun bang napakaintelektuwal ng dating. Kaya kang dalhin... yun bang kapag siya ang nagsalita akala mo tama... yun bang parang di mo makontra dahil para sa kanya lahat ng bagay "in time" ay mangyayari. Kaso sa panahon ngayon dapat kumilos ka at kung aasa ka sa "in time" walang mangyayari sa earth. Sabi nga ni Jesus "Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa".

May dadating naman sa buhay mo na taong sobrang bait... Susunod sa iyo at palaging yung kaligayahan mo ang iisipin. Kaso boring yun... alangan naman ikaw palagi magsasabi ng mga dapat mangyari o kung ano dapat ang gagawin at pupuntahan nyo. Sabi nga yun bait nasisira yun kaya dapat kaunting bait lang hehehe.

Along the way may makikita ka na mukang ok naman... sabi nga pag medyo lagpas ka na sa kalendaryo wag ka na daw masyado mapili... kaso ewan ko hindi ko kasi gusto sa lalaki yun sporty nga pero ayaw naman magulo yung buhok hehehe pwede ba yun?

Anyways naisip ko lang naman... ganito siguro talaga pag yun bang anim na araw na lang madadagdagan na naman ng point yun idad mo... Oh well number lang yan. Ang mahalaga masaya ka at wala naman masama maging single.

Tuesday, September 16, 2008

New Passport



Dumating na ang bago kong passport at nabayadan ko na din ang ticket ko. Yun na lang credit card ang problema at kailangang bayadan hehehe.

Simula na naman ng aking countdown. Para akong bata na excited na dumating ang pasko. Ano kaya ang pakiramdam na magpapasko ako ulit sa aking bayang magiliw. Pitong taon din na na miss ko ang magpasko sa Pinas. No choice kasi ako dahil kapag contractor ka ikaw ang naka toka na mag duty dahil panahon yun ng pag babakasyon ng mga permanent employees. Use it or lose it kasi ang mga vacation leave kaya inuubos nila lahat. Pabor din naman sa amin dahil No work no pay kami so kesa mag bakasyon papasok na lang tutal naman wala din dito ang pamilya ko at wala din makakasama mag celebrate.

Simula na ako sa pag gawa ng aking itenirary. Katulad ng dati dapat masulit ko ang tatlong linggo kong bakasyon. Ke mahal ng ticket hayyyys! Pero dats layp. Ang makasama ko naman ang mahal ko sa buhay ay Priceless (Pwedeng pag mastercard commercial :P).

Ilang places lang naman ang pinaplano kong puntahan. Una ang mailibot ko si Nanay sa Macau/HK. Kasi malungkot pa din yun dahil di nakapasa sa pagkuha ng visa kaya Disneyland sa HK at sa mga casino sa Macau na lang muna. Subok na lang ulit siya mag apply next year para sa tutuong Disney at sa casino sa Vegas.

Gusto ko ulit pumunta sa Baguio at kumain sa palaisdaan sa Quezon or maharana sa Villa Escuedero. Kung may mag-aya pang iba at may oras syempre game ako.

Sa wakas makakapag simbang gabi na ako ulit. Yung bibingka at puto bumbong sa tapat ng plaza na iimagine ko na. Meron pa kayang nagkacarolling? Iba kasi talaga yung pasko sa lugar na nakasanayan mo. Though kadalasan ang nadidinig ko hindi na din daw kagaya ng dati dahil mahirap na ang buhay ngayon. Para sa akin basta magkakasama ang buong pamilya at nakakasama ang mga kaibigan yun ang tunay na diwa ng pasko.

Saturday, August 09, 2008

Pictures and Passport

Maaga akong gumising (actually ginising ng tawag nila tita Raquel at Allan) para sa pagkuha ng passport. Meron kasing Consular Outreach na inorganize ng Filipino community para sa pagkuha or pagrerenew ng passport dito sa Dallas.

Nagsimula na kasi magprocesess ang Philippine Embassy at ang Consulate Generals ng U.S. ng Machine Readable Passports (MRP) noong June 2, 2008. Out na ang green passport at magiging kulay brown na. Document security ang primary reason kaya pinapatupad ang MRP. Upang makaiwas sa mga identity theft at fraud. Kaya pati ang renewal na dating pwede namang i-mail lang eh kailangan ng magkaroon ng personal appearance para duon ka mismo mag sign at mag finger print.

Maganda yung naisip ng Pinoy community dahil kung hinde kailangan pang magpunta sa LA para lang sa pagrerenew. Menos gastos ... lalo na sa mga may pamilya at hindi na kailangang mag-absent sa work para lang sa pagpaparenew.

From 9:00am to 4:00pm sila mag proprocess. Sabi ni tita Raquel mga 6:00am daw dapat andun na dahil siguradong madaming magpaparenew. Sabi ko naman seryoso ba kayo na 6:00am parang ang aga naman. Kaya nakisuyo na lang ako na tawagan ako kapag anduon na sila and kung pwedeng ikuha na lang ako ng number.

6:30am ng dumating sila doon at mga 20 na tao na daw ang nakapila. Kaya ng tawagan nila ako gumayak na din ako at nakarating ako duon ng mga 7:30am. Tutuo nga kasi by that time mga 50 na tao na yung nakita ko sa pila. Buti na lang maaga sila duon at pang lima sila (hmmmm syempre ako din hehehe).

Kaso lang mga 8:00am may babae na nagsimulang magpapamigay ng number. Number 6 yung nakuha ko. Pero meron na daw nagpunta kahapon doon at may number na din silang pinamigay. Doon na nagsimula lumitaw ang pagkapinoy ng karamihan... Syempre reklamo agad dahil first come first serve ang inaasahan nila kaya nga 6:00am pa lang anduon na sila tapos pwede naman daw pala na kumuha na ng number before hand. Biglang umingay hehehe syempre ako di pwede magreklamo kasi nakipila lang ako :P

Kaya ng magbukas yung pinto ng 9:00am dahil sa mga naghuhuramentadong nakapilang mamayang pinoy hehehe hindi na na honor yung number ng mga taong nagpunta kahapon. Meron lang isa na na honor dahil maaga din siyang anduon.

Akala ko oks na ang lahat ng makapasok kami sa loob. Hindi pa pala dahil sa bagong picture requirement na blue background... madaming na reject na litrato na dala ng mga aplikante. May dala ako pero masyado daw dark ang pagka blue, yung isa naman iba yung pagka blue... in short kailangan magpapicture duon sa photographer na bumbay. So fine... sige pa picture na ng matapos na... kaso mga bumbay talaga oo tamang 5-6 ... kahapon $15 lang yun picture ngayon $20 na!

Hehehe... nagsimula na naman magkaroon ng violent reaction ang mga tao... na wala namang choice dahil nga na reject ang picture nila... Actually kasama ako duon pero ok na sa akin yun bayad na $20 kasi yung bumbay sumakit ang ulo sa akin lugi na daw ang negosyo nya kasi naka limang kuha siya at pagpinapakita ko dun sa nag proprocess eh na rereject. Yung una dapat nakalitaw daw mabuti ang tenga at bawal ang may earings, yung pangalawa nangangawit na siguro yung kumukuha at medyo natabingi yung kuha.... Nakulitan na yung huli kinuhanan ako ng dalawang beses at sabi parehas ko daw ipakita para sure... Hehehe ayun sa wakas oks na! Well sulit na yung $20 sa apat na beses nyang pag print... Vibes na nga kami... ibinigay na sa akin lahat yung prints kasi aanhin daw ba nya iyon :P

Sa mga kapwa pinoy na taga Houston. Magkakaroon din diyan ng Consular Outreach sa August 23, 2008. Eto ang link. Agahan nyo ang punta saka duon na kayo magpalitrato dahil karamihan naman ng dala na litrato ay na rereject para hindi na kayo magdoble gastos. Huwag nyong kalimutan yung form at $50 para sa passport processing at $6 para sa pagpapadala pabalik ng passport.

PS. Mga Brod and Sis nga pala sa APO-Metro Houston ang isa sa organizer ng Consular Outreach sa Houston. May we always be!


Friday, August 01, 2008

Hindi naman sa pag-aano...

Medyo nagsisimula na mag settle ang aking mundo sa bago kong role dito sa opis. Five weeks na rigodon din ang nangyari sa akin:

- dalawang beses ako lumipat ng work place
- ako pa din ang gumagawa ng dati kong task
- kailangan kong mag-aral ng bagong platforms
- at nakakawindang yun dahil nadagdagan na naman ang mga acronyms sa buhay ko
- kailangang mag install ng mga bagong applications
- sampu na ang mailbox na kailangan kong i-check
- apat na sabado ako pumapasok ng dose oras
- bonus pa yung isang sunday na kailangan kong pumasok ng sampung oras

Ngayong week na ito naramdaman ko na medyo nasasanay na ako sa bago kong environment

- Naprapraktis ko na din yun Training ko sa Prepaid
- Nakakadagdag din ng confidence ang mga bagong kaalaman
- Hahaba na naman ang resume ko
- Ang daming pwedeng matutunan (Tyaga lang at kaunting kakulitan ang kailangan)
- Mababawasan na ang panggabi kong gawain dahil mas kailangan daw nila ako sa umaga
- Masaya sa pakiramdam yung meron kang idea sa mga nangyayari sa paligid
- Yun pa lang akala mo na mahirap eh madali lang pag binigyan mo ng pansin

Kasabay ng transition naisulat ko din na sinabayan ko din ng pagtakbo. Bukod sa nainspired ako isa na din sigurong way para maka cope up sa pagbabago, stress, lungkot at kung anu-ano pa.

Naka-adjust na ako ... hindi lang siguro naging maganda ang simula ng umaga ko. Una dahil nakasabay ko sa parking yung taong di ko feel. Pinaalis ko na nga sa bahay dahil di ko nakasundo pero lubhang maliit ang mundo at siguro tinuturuan ako ni God ng tunay na kahulugan ng pag aadjust at pagiging flexible.

Kaso nasundan pa ng may mag message sa akin ng ganito:

siya : uy kilala mo pala si XXXX
ako : ah si mate... oo ka-coordinate ko siya sa dws
siya : dws pla hawak nun hehehe...yun ung mga sinusoportahan ko dati. O&M sila s operator...ako ang support nila
siya : nagjoin lang din yun s Company late na..nung namigrate na namin s CS...pero ok din sya..kilalang kilala ako ng mga yan
ako : mabait si mate hindi mayabang
siya : mga kabiruan ko yang mga yan
siya : nung ikakasal nga yan kunin nga daw sana nya ko as one of the ninong ata hehehe...kaso paalis n ko nun
siya : nung naglipat yan ng apt tinulungan ko... nakakaawa kasi
ako : hindi naman siguro nakakaawa, nag aadjust lang
siya: siguro nga



Mahilig akong makipag chat, Actually madami akong naging kaibigan dahil sa YM. Inuumaga pa ako sa pakikipag kwentuhan. Pero hindi ko alam kung bakit itong taong ito binura ko na nga sa friendslist ko dahil hindi ko feel. At alam niya yun dahil ilang beses ng napikon sa mga salibadyok na sagot ko pag nag memessage siya. Pero lubhang matiyaga na mag simula ng conversation.

Nuong una kasi komo bagong kakilala kakaunti lang naman kaming Pinoy dito, syempre nakikisama ako. Nakikipag kwentuhan. Kaso kapag ganito ba ang kausap mo matutuwa ka ba?

siya : uy alam mo bang si ano at si ano ay mag-ano?
ako : hindi ei
siya : oh kaibigan mo yun ei
ako : di ko alam ei
siya : si pilay nagsabi sa akin, item daw yung dalawa na yan
siya : ligawan ko kaya si ano? dapat ako na lang pinatulan niya
ako : eh baka mahilig sa gwapo kaya ganun
siya : hindi naman sa pag-aano huh ako 13k ang kita ko
ako : teka lang bakit mo naman nasabi na sila
siya : no comment


Hehehe naalala ko tuloy si Azrael kapag nagagalit gustong mamalo ng dos por dos sa muka. Ako naman ang trip kong gamitin baseball bat. Meron pa palang hirit na napapailing ako. Actually diniretsa ko na ngang minsan.

siya : %#!&# nakakainis ang boss ko ang daming pinapagawa
ako : talagang ganun trabaho yan
siya : Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah ang dami talaga
ako : de tumanggi ka para di ka matambakan
siya : nakakainis na nga #!*%$# meron pa akong gagawin na isa di pa tapos itong isa
ako : dats layp
siya : ang dami kasi talagang upgrade Waaaaaaaaaaaaaaa
ako : alam mo kaya merong mga emoticon ang yahoo para gamitin
ako : saka nababadingan ako sa mga lalaking Waaaaaaaaaaaaaaaa ng Waaaaaaaaaaaaa
ako : isa pa naaalibadbadan din ako sa mga taong palaging nagmumura sa chat
siya : hindi ako bading huh
ako : no comment


Ng maikwento ko ito sa isang kaibigan ko sabi nya mean daw ako. Pero hindi ko kasi talaga kinaya. Minabuti ko na lang na huwag ng kausapin kaya ko nga binura sa list ko. Kasi ang tendency pag kausap ko eh mamuset na lang ako at sumagot ng wala sa hulog. Pero kagaya ng sabi ko siguro tinuturuan lang ako ni God na maging mabuting tao. o kaya ni jojoke niya ako ngayong araw na ito kasi nakakadalawa na ako. Sana wag naman ako buminggo :P.

Saturday, May 10, 2008

The Las Vegas Strip, The Hoover Dam and The Grand Canyon

I had a 2-month project in T-Mobile Las Vegas. I was able to celebrate Christmas 2005 and also welcome the 2006 with a blast! Pag nasa Vegas ka syempre panalo sa libutan kulang ang 2 days para ma visit mo lahat ng Hotels para mag usyoso, mag picture picture at mag shopping.

Since the Hoover Dam is just between Nevada and Arizona, isa din ito sa madaling puntahan at libutin. What we did was nag purchase kami ng Bus Tour para makita yung Grand Canyon. Part ng trip yung pag stop sa Hoover Dam for 30 minutes to take pictures and to have a short sight seeing.


After 4 hours trip nakarating din kami sa Grand Canyon. Ang ganda GRABE! lalo na pag tinatamaan ng araw kasi parang nag-iiba iba yung kulay. Ang tanging naisip ko that time was ang galing talaga ni God. Kasi ibang klase talaga.

Sandy Eggo

The next project was in T-Mobile San Diego. I was lucky because while I am working on my badge for the Switch access nagpapamigay ng ticket yung boss for the Miramar Airshow. Pag binwebwenas may work na may libreng ticket pa :P


I love the weather in San Diego. Ito na yung pinaka gusto kong place. Kaso di ko kayang bumili ng bahay dito. Grabe ang mahal... lumang bahay $500K... hehehe mansion na yun sa Texas. Madaming libutan saka madaming Filipino store. Hindi ko naging problema yung food. Madaming choices... may Jollibee, Chowking, Red Ribbon saka mga Pinoy owned restaurant.


I had the chance to visit San Diego Zoo. Ayus para akong bata na naaliw sa mga animals.

At nagkita kami ulit ni Shamu. The last time kasi na nagkita kami was in San Antonio and ang tagal na nun 2001 pa. Reunion namin di ba? hehehe.


I also had the chance to see Coronado and LaJolla Cove and a dinner with Brod Eman and his family at Miramar.

My Trip to Cali


It was July of 2005 when my Rehome project ends. Rich Corso my boss sent me to California to work on Cingular Upgarde. Checking Microsoft Street and Trips... Whew 1437 miles of drive. First stop will be New Mexico.

Naku malayo pa pala... drive na ulit... Yung iba kaya nila ng one day yung trip pero since kami ni bornoks medyo may lahing turtle :) 2 days syempre yung trip. I took I-20 then I-10 all the way to Indio, CA.
It was almost 7pm ng makarating ako doon. I checked it at Best Western Hotel. I was so tired ... I will continue my trip tomorrow. And since holiday ang 4th of July. Lilibot muna ako sa downtown Disney. Hehehe di pa nag sisimula ng work gagala na.





July 5 nag start yung work ko. I did BSC upgrade at Riverside, CA. It was a short project but I did enjoy a lot because I was able to meet a tester from Brazil and learned to work on an IP Switch.

The next project was in T-Mobile - Sta Fe Springs. A 3-week O and M project - I was a reliever to an Ericsson Supervisor that will take a short vacation. That was my first T-Mobile project. Enjoy din I stayed in Downey, CA. Dito ko din napanuod yun concert ni Bamboo.


Galing ni Bamboo. Mahal ko na siya!!! :P


At higit sa lahat, I also had the chance na makalibot sa Catalina Island at sa Newport Beach.

Friday, May 09, 2008

The Sweetest Thing

I checked my mailbox and this is what i've got :) . So happy!!! I can't express hehehe. I thank the Lord so much for all the blessings. When it rains it pours. I also received today the ticket that i bought from Gateway Travel and bordek's registration. Kumpleto na. I already started my countdown...
Dapat daw dito ilagay sa small envelope yung card, syempre masunurin ako nilagay ko na agad hehehe baka bawiin pa hehehe. Sarap hawakan saka titigan. After 3 years and 7 months of processing and waiting... Wuhoooo!




I already got the approval of my boss to take off. God is so good, I was able to work two consecutive weekends over time so parang 1 week na lang yung unpaid leave ko. Nakakapagod to work straight 12 hours pero pag iniisip ko na makakauwi na ako at makakasama ko na yung family ko nawawala lahat yung stress.

Peak season started kasi almost summer time na, madaming umuuwi. I was lucky na umabot pa sa medyo affordable na ticket. I have many plans para sa vacation ko. It will be a short vacation but I do hope to spend it ng bonggang bongga :)

"Lord, I’ve got my plans, and I ask You to bless them. But above all, may Your will be accomplished in me.”

Wednesday, May 07, 2008

7 Years with CST

It's been seven years. Ang bilis lumipas ng panahon. Ang payat ko pa dati 110lbs lang ako ng dumating ako sa US. Hindi pa naka Wifi ang Candlewood Suites. Ang una kong naging tahanan. CD Rom pa lang ang included pag bumili ka ng laptop at kapag 1.3 Megapixel yung digital camera mo cool ka na.
May 7, 2001 nag sign ako ng contract sa CST. Unang project ko SBC Wireline as installer/switch tester. Si kuya Natz ang nagtyagang magturo sa akin. Ako lang ang babae sa group namin sa DFW area. Si kuya Larry naman ang nagpahiram sa akin ng $100 kasi after 2 weeks pa bago sweldo eh wala na akong pera :)

And since wala akong talent magluto si Kuya Ome naman yung mahilig magluto. I am so blessed imagine dito ko lang sila lahat nakilala pero they helped me. Madami pa silang nag guide sa akin kagaya ni Kuya Vergel si Mon etc. Yung unang group picture namin sa Palayok yun lahat sila.


But because of the September 11 incident nag slow down ang mga project. Akala ko nga uuwi na ako kasi nag release na ng mga tao. Pero siguro I was destined to stay here. After 3 months na walang work nag boom na ang GSM. Sinwerte na makapasok sa AT&T project and the rest is history.

Dito ko na nakasama ang ibat-ibang engineers. Amerikano, Pilipino, Swedish, Indian, Vietnamese, Chinese, Portueguse, Venezeuilan, Cambodian, Canadian, Nigerian, Mexican at marami pang iba.

Ilang projects na din ang natapos ko may Turnkey projects, Genesis project, Liberty project actually kahit ano basta may trabaho ok sa akin. Installation, Harware Testing, Integration etc. Lakasan lang ng loob yan. Yun ang pinaka masasabi kong puhunan ko yung prayers at lakas ng loob. Wala namang imposible kapag determinado kang matuto. Ang importante sa ganitong klaseng trabaho yung pakikisama kasi kayo kayo din ang magkakasama sa mga projects.

Nakakalungkot kapag natatapos ang isang project kasi nakakaclose mo na yung mga tao tapos magkakahiwalay hiwalay na kayo. Dati pag sinabihan na ako na marerelease ako para akong nagkaka anxiety na di ko maipaliwanag. Pero nasanay na din ako. God always provided me with a better work after mag end ang isang project. Nasanay na din ako magbiyahe ng malayo, matulog kung saan hotel abutan ng gabi.

Looking back masasabi ko na nagtagumpay na din ako sa field ng telecoms. I was able to help my family and provided them yung mga bagay na wala kami nuon. Masasabi ko ding madami akong natutunan from being an installer, maging tester... from wireline to GSM... ngayon UMTS na though hindi ako nag-iintegrate ngayon I am happy doing Core, IN Preaid at Service Layer works.

Working in the Back Office team for almost 2 years now. I learned a lot and I hope to learn more.

Kay God - Salamat sa lahat ng blessings.

Sa Family ko - Salamat sa prayers. Kayo ang inspiration ko.

Sa mga Kaibigan - Salamat sa pag-aaccomodate nyo sa akin kapag naaassign ako sa lugar nyo.

Sa CST and staff- Salamat sa pag sponsor nyo sa akin. I was able to work here buy a house and get my permanent residency.

Sa mga nakatrabaho ko - Salamat sa mga naituro nyo sa akin. Sa mga naturuan ko naman sana magturo din kayo sa mga bago. Kasi pasahan lang naman. At sana magkatrabaho tayong muli.

Sa mga naging manager ko - Salamat po sa pagkuha nyo sa akin at pagtitiwala.

Sa SouthWestern Bell, AT&T na naging Cingulat at AT&T Mobility na ngayon, Sa VoiceSTream na T-Mobile na ngayon sa Verizon, Seamobile, Cellular One of East Texas, Indigo Wireless, Chariton Valley, Suncom, Dobson, CBW, Ztar Singapore, Alltell, Rogers at RCC - Salamat sa inyo sana mag expand pa kayo para may trabaho kami palagi. Para walang nalulungkot at nawawalan ng projects.

Sa mga tao sa pictures. Maraming salamat and God bless

Sa mga wala sa pictures. Kasalanan nyo yun kasi masyado kayong camera shy :P






To my friends in Brazil - "Muito obrigado por fazer parte da minha jornada na vida"

To my friends from India - "Mera jeendagi ka prayan me ap mera sath tha...Shukriya"

To my TexMex - " Muchas gracias por acompaƱarme en mi camino"

To the Second Line Support in Canada - "Merci beaucoup de faire partie de ma vie"

To my Arabic friends - "Shukran Likawnicom Juzaen Min Rihlatee"

To my Chinese buddies - "dor tse" / "xie-xie"

To my Turkish pal - "Hayatimda ye aldiginiz tanima firsatini bono ver diginiz iain Tesekkurler."

To my Nigerian ore - "Mo dupe lowo yin fun ipa ti eko ni laiye mi"

To my Venezuilan amigo - "Gracias por ser una parte del viaje de mi vida"

To my Vietnamese ban - "Cam on ban da cung chung con duong voi toi"

To my Bangladesh mate - "Amar jatrai shathe thakar jonno dhonnobad..."


Post Note:

Salamat sa DIGITEL - Sa pagbibigay sa akin ng mga experience at Trainings na nakatulong para makapag abroad ako, sa pagtuturo ng tunay na kahulugan ng salitang pagtitiyaga, pagtitiis at pagpapasensya.

Salamat La Fortuna College - Sa scholarship para matapos ko ang second course kong Computer Engineering at sa mga naging students ko na naging kaibigan ko na din.


Monday, May 05, 2008

SWEET!!!


Receipt Number: LIN**********

Application Type: I485 , APPLICATION TO REGISTER PERMANENT RESIDENCE OR TO ADJUST STATUS

Current Status: Approval notice sent.

On May 5, 2008, we mailed you a notice that we have approved this I485 APPLICATION TO REGISTER PERMANENT RESIDENCE OR TO ADJUST STATUS. Please follow any instructions on the notice. If you move before you receive the notice, call customer service.If you have questions or concerns about your application or the case status results listed above, or if you have not received a decision from USCIS within the current processing time listed*, please contact USCIS Customer Service at (800) 375-5283.

Yan ang current status ng Case ko. Diba Sweet?

Tapos I checked the mailbox pagkadating ko dito sa bahay and reading the letter from INS nakakakilig ang nakasulat:

WELCOME TO THE UNITED STATES OF AMERICA

This is to notify you that your application for permanent residence has been approved. It is with great pleasure that we welcome you to permanent residence status in the United States.

At the top of this notice you will see a very important number. It is your USCIS A#. This is your permanent resident account and file number. This permanent account number is very important to you. You will need it whenever you contact us.

We will soon mail you a new Permanent Resident Card. You should receive it within the next 3 weeks. You can use it to show your new status. When you receive your card you must carry it with you at all times if you are 18 or older. It is the law.

Super kinikilig talaga ako. Ganito pala yung pakiramdam... SWEEEEEEEEEEEET!!!!

Monday, April 28, 2008

Multo

Isa akong nuknukan ng duwag. Wala akong hilig manuod ng Horror films. Natatandaan ko pa nung bata ako di ako makapag bukas ng Ref pag gabi ng dahil sa scene na napanuod ko sa Shake, Rattle and Roll na movie. Ayaw ko ding dumaan sa lugar na malapit sa sementeryo pag gabi kasi pakiramdam ko may mga zombies na biglang makakasalubong sa daan.
Sobra ang takot ko kapag may patay. Kahit kakilala ko na yung patay pag dumalaw ako hindi mo ako mapapatingin. Actually minsan kahiyaan na kailangan naming lumapit magbabarkada sa harapan, hindi nman ako pwede magpaiwan kaya sumama na din ako pero nakapikit na ako pagdating na dun sa malapit sa coffin.
Natatandaan ko pa nung namatay yung isang close friend ko way back in College. Bago kasi mangyari yung aksidente nya magkausap kami sa Radyo ( hindi pa uso ang text nung mga panahon na yun tanging radyo pa lang ang way para maka EB he-he-he ). Alala ko ang topic namin yung mga kanta Eraserheads sabi nya sa akin" Lima Tanggo mag duplex tayo dun last digit ng Lima line namin plus 5, so yun sunud naman ako syempre para di ka mamonitor kailangan mag duplex. Sagot naman ako Oscar Kilo going gone Juliet Romeo ... So ayun kwentuhan, pa morningan then sabi nya pag uwi ko diyan sa province dadalhan kita ng tape ng Eheads yung bago nila yung Cutterpillows.
Then after a week or two biglang nabalita na na aksidente yung kaibigan ko and sabi ko di ba nga duwag ako so hindi ko kayang matulog mag-isa sa kwarto ko, for almost a month yata sa room ng Nanay ko ako natutulog. Sabi ko sa nanay ko "Nanay dito muna ako kasi baka mamaya ideliver yung tape na pinangako sa akin :P".
Isa pang katunayan ng aking kaduwagan, Nagtatrabaho na ako sa isang telecom company sa probinsya namin tapos yun dati naming manager namatay. Inatake na naman ako ng aking pagiging duwag may duty kasi ako every Sunday dahil ang kinuha kong Off ay Tuesday at Saturday, nagpapart time instructor kasi ako during those days. Kaso lang pag Sunday na duty ko walang ibang tao sa office kundi ako lang. In short di ko kayang mag-isa sa duty kaya hehehe again my Nanay to the rescue :P isinasama ko si Nanay sa pagduty kapag Sunday hehehe oks di ba? Balak ko na ngang turuan mag SOD yung Nanay ko hehehe.
Pero magmula ng nabasa ko yun isang article sa Kerygma magazine na hindi pala tayo dapat matakot sa mga multo, horror movies o sa mga namatay na. Isa lang pala ang dapat nating katakutan - ANG PAG GAWA NG MASAMA. Napaisip ako, Oo nga no bat nga ba ako natatakot sa multo pero ni hindi man lang ako kinilabutan kapag nangungupit ako, pag nang gugudtime ako or pag nagsisinungaling or pag nangblablame ako ng ibang tao para mapagtakpan ko yun kalokohan ko.
Suddenly nawala na yun takot ko sa mga bagay na hindi ko pala dapat katakutan. Ngayon natatakot na lang ako kapag gumagawa ako ng masama or nag-iisip ng mali.
Sana yung iba din marealized nila na hindi dapat matakot sa multo kundi sa pag gawa ng masama kagaya ng pangangalunya, paninira ng kapwa, pagnanakaw, pangungurakot, pag suway sa magulang, pagsisinungaling at kung anu-ano pang masasamang gawain dahil ang mga bagay na ito ang tutuong MULTO.

Sunday, April 27, 2008

Oh My Gas!

I am not feeling well since Friday, Emotional roller coaster gave me fever. After the dinner at the Garins I slept and rest.

I spent my Saturday doing the usual house chores. As much as possible I want to keep my self busy. For the first time the sound of my Kirby vacuum is pleasant to my ears. I need more decibels because I hate the silence.

I can not control my mind, It seems like there is a cron job that is automatically running and processing 0s and 1s. The zero is for showing up on Monday to INS and submit an expedited travel document I-131 so I can go home. The one is to stay put and wait.

I prayed for guidance and I called one of my friend. He advised me not to go home. I bet he is right.

I wake at 4:00am. I tried to go back to sleep but I tossed and turned - Nada! I can't sleep. I went down stairs and cook "ginisang mongo" (you read it right I cooked) ...I have an early breakfast and by around 8:00am I was able to get some more sleep.

I attended the afternoon Mass after having a car wash. Then I went to the nearby gas station from Seaton's church. This is getting horrendous, the soaring gas price is hitting us badly. It might reach $4/gallon. I can't wait for the tax rebate. I hope to recieve the stimulus check soon.

Saturday, April 26, 2008

Tracking

I am sure na lahat ng tao na may pending applications either sa green card, renewal or extension ng H1-B visa or passport eh nagiging hobby na yung pag-track sa kani-kanilang mga tracking number at yung palagiang pag check sa Case Status OnLine. Ang iba naman ay nag susubscribe sa automatic case update para ma recieve nila via email.

Sa case ko naman naipadala na lawyer ko yun dalawang evidence na hiningi sa akin at ito na ang status:

Current Status: Response to request for evidence received, and case processing has resumed.

On April 25, 2008, we received your response to our request for evidence. We will notify you by mail when we make a decision or if we need something from you. If you move while this case is pending, call customer service. You should expect to receive a written decision or written update within 60 days of the date we received your response unless fingerprint processing or an interview are standard parts of case processing and have not yet been completed.

I hope and pray na matanggap ko na soon ang approval para makauwi na at makapagbakasyon. I really need a break almost 3 years na akong di nakakauwi. Sa mga OFW na kagaya ko masyado ng stressful at kahit sabihin ng matagal na ako dito yung homesick hindi ko maiwasang maramdaman lalo na pag may mga emergency na nangyayari sa pamilya at wala ka naman magawa dahil hindi ka makauwi.

Friday, April 25, 2008

Good bye Inang


Dalawang text na mula sa Nanay ko ang biglang nagpahinto sa ginagawa ko dito sa opisina:
Nanay: Libay anak patay n c ninang
Nanay: N basa mo b text me namatay n c ninang
6:12pm

Agad akong tumawag sa amin. Napakalungkot kasi hindi naman ako makakauwi, hinihintay ko pa din ang approval ng papers ko. Sinagot ni Nanay ang phone at sinabi nya muli sa akin "Anak wala na si Inang", nararamdaman ko din na hindi na siya magtatagal dahil kung anu-ano ang sinasabi kanina. Nasa tabi daw niya si Ama at ang nanay niya saka yung Lola ko (mother ni Nanay)."

Last week kasi mahina na talaga at ayaw namang mag paospital. Kaya sabi ko kay Nanay kung mahina ng kumain dapat maipa dextrose kahit sa bahay lang. After maubos yun dextrose lumakas lakas naman daw. Pinasabi ko pa nga na Inang hintayin mo ako, once ma approve yung green card ko makakauwe na din ako. Nagbiro pa daw na oo kahit 3 years kaya pa niyang maghintay.

Nung huling tawag ko kay Nanay, sabi niya nahihirapan na nga daw dahil sumasakit yung rayuma. Pinag dasal ko si Inang na oo gusto ko magkita kami ulit pero kung masyado lang siyang mahihirapan sa sakit na nararamdaman niya pinagdasal ko kay God na kung ano yung makakabuti at para hindi na din mahirapan si Inang.

Nalulungkot ako dahil kapag nakauwi ako hindi ko na siya makikita at masaya din para kay Inang dahil ngayon hindi na niya mararamdaman ang sakit at andun na siya kasama ni God.

Post Note:
Siguro namana ko kay Inang ang pagiging komedyante ko: Sabi kasi ni Nanay bago niya ibaba yung phone "Anak may pinamanahan si Inang - Yung radyo daw niya huwag ibibigay kay Chi (anak ng pinsan ko) para daw kay Nimfa yun. Sabi ni nanay Inang sino si Nimfa kasi wala naman kaming kamang-anak na Nimfa. Sabi daw ni Inang si Meow... yung pusa pala niya."

Inang Hilaria ma mimiss ka namin. We love you.


Tuesday, April 22, 2008

INS-omnia

OA na to huh hindi ako dalawin ng antok. Kung anu-anong ikot na ginawa ko sa tempurpedic bed ko. Nagbukas na ako ng TV at pinanuod ko yung mga nirecord ko sa DVR pero hindi pa din talaga ako antukin.

Para akong bata na excited mag field trip, o yung binilhan ng bagong laruan na matagal ng inuungot, o kaya yung high school na may boylet na seminarista na naghihintay ng Friday, or pledgee na naghihintay ng ritual... Eh ang hinihintay ko lang naman sana ay mag 8:00am na para makapunta na ako sa Walmart at makapagpa litrato ng 2x2.

Kung anu-ano na ang nausyoso ko pati detalye ng Birth Certificate ko.

  • 22 years old pala ang Nanay ko ng pinanganak ako
  • 25 years old naman si Tatay
  • St. Nicholas Clinic ang pangalan ng lugar kung saan ako unang umuha
  • 36 completed weeks (ayus hindi ako kulang sa buwan)
  • 11:22AM ako unang nakakita ng liwanag (pero palagay ko di accurate kasi maliit mata ko)
  • 6.3 lbs (di ko naman pala pinahiraman si mother)
  • Friday pala ako pinanganak
  • Dra. M De Guzman ang attending doctor

5:05am na pala. Kaunting hintay na lang.



Saturday, March 29, 2008

Your past does not define your future

My ex-boyfriend me sent me a book. I read the title "Your past does not define your future" and suddenly my whole life flash back.

I was 8 years old when my parents separated. I lived with my grand parents, (the sister of my dad's mom). It was a big house. My self along with my cousins shared a room and closets. I remember the maids, they were Aling Norma who washed our clothes and Tessie who cleaned the room and cooked our food. Tessie cooked the food and put the viands in a cup, so that when it is time for us to eat, we get the cup, get the rice eat and then wash the plates and continue to play. I think we are 7 kids then. Lola Sofing took care of us, those 7 kids were all in the same boat - broken family.

Lola Sofing had 2 kids, her youngest is my beautiful aunt, she's intelligent, talented, with perfect hand writing, angelic voice, good dancer, great painter, she likes to sketch, she is very artistic. She is famous in school, always the muse or duting Sagala, she will be the Reyna Elena. I idolized her, I want to be like her when I grow up. Well I got some, the artistic part - good penmanship, sketching, dancing, singing... hmmm famous in school in my own way... hehehehe not the muse part :P

I like her life, she has a nice bed, pretty clothes and dolls. Tessie served her food, sometimes in her bed while she watches TV in their airconditioned room. She's nice to me, she taught me cool dance steps, do my make up during Prom and she even let me borrow clothes and shoes. I like being her side-kick, coz most of her suitors gave me chocolates hehehehe, my Lola will allow her to go out if i'll come with her as a chaperone. :)

Looking back, i'd like to thank Lola Sofing for everything, she's there when I needed a parent to come for the PTA, during ceremonies and for feeding us. It is only now that I realized how a great man Lolo Mar was. For keeping us and letting us to stay in their home. Before I am afraid of him because he seldom talk. Now I knew the reason he is tired and her wife had this extended family that he is also needs to support.

I was in the third grade playing jack stone at the back of our class room, when I looked at the door i saw my mother, I was surprised, she came to our school to visit me. I hugged her then she left. That was the last time I saw her. She went to Saudi Arabia, how I can I forget - I wrote her letters and scribble Abdulasis Algedeibi Hospital (hmmm something like that) in the envelope. She worked as a beautician in the King's hospital.

Growing up I envy my other cousins because they went to private school. For me - have to study in public - no tuition fee of course. I guess I have some talent, I was an honor student and makes Lola Sofing proud of me. I heard one of my uncle saying, Oh forget it, she had an award because she's studying in public. It stucked to my head, I told my self one day you'll study in a private school and proved him wrong. And I made it, I got a scholarship, I was able to study in a private school in High School and of course with honors. I love that part when you will receive medals or ribbons but I hate the part that my parents are not with me. Sometimes I have to beg them to attend. I always ask my self, how come the mother of my classmate will even buy a car when my classmate get good grades. And during school plays or sports activities they were all there present cheering and aplauding for their daughter.

I always wish my father to be present in any of the awarding ceremony. But not all wishes come true, perhaps he was really busy. You know when you are playing mahjong all your life, it is hard to leave the chair, he might lose the winning streak or maybe he can not let the grip of the bottle or the marlboro stick for a minute to put the ribbon on my chest.

Still with the scholarhip grant, I was able to enroll to St. Louis University, Tito Remi helped me but maybe I am not destined to continue my studies in Baguio. After the tragic earthquake I have to go back and continue my studies in CLPC. But sometimes one tragic incident will led to another, My mom came back from Saudi Arabia with this shit man who became my stepdad, I was abused and almost got raped. God is good he never let it to happen, I left home lived with my best friends house try to commit suicide. Yep you read it right - not a typo! After the incident my mom asked me to come back home, I asked her to choose. I will only go back home if she will leave that man.

Thank God - she did the right decision. My mom left again for Taiwan with a three years contract and she came back for my College graduation. I graduated Cum Laude and I saw how proud she was. I was so happy and I promised to my self that I will not let her work again in another country ever.