Showing posts with label Work. Show all posts
Showing posts with label Work. Show all posts

Wednesday, September 24, 2008

Toastmaster

I attended a one hour workshop yesterday on Impromptu Speaking hosted by Ericsson Toastmaster. Baka sakali mag improve ako hehehe. And to share what i have learned... eto ang sabi ng speaker:

When Giving an Impromptu talk:
  1. Listen
  2. Pause
  3. Confirm
  4. Tell
  5. End
Strategies
  • express an opinion
  • address cause and effect
  • break the topic into components
  • discuss the past, present and future
  • pros and cons
  • before and after
  • chronological
  • compare and contrast
  • fake it (make it up)
  • bridge
  • intentional misunderstanding
What ever you do
  1. Don't apologize
  2. Don't ramble
  3. Don't invent

Naisip ko lang applicable din ito sa pag gawa ng blog lalo na yung mga strategies. Natawa ako dun sa example nya about the strategy "intentional misunderstanding" . Usually daw ganito ang ginagawa ng mga politician na ini-interview para mailigaw ang nagtatanong. Iniiba nila ang sagot at topic at magsasalita na ng kung anu-ano.

Thursday, September 04, 2008

Service Key

Ano kaya nag nagtri-trigger ng lungkot sa tao?

Bakit bigla mo na lang mararamdaman? Kung tatanungin ko ang sarili ko wala naman akong problema. May trabaho naman ako. Wala naman akong sakit.

Sabi sa napanuod ko kahapon. Happiness is a choice. Ok fine.. sige sabihin natin pinili kong maging masaya pero bakit di ko naman ito maramdaman?

Naiinip kasi ako sa desisyon ng application ko. Bad nga ako kasi pinagdasal ko na yun so dapat No Worries na. For some reason bigla ko lang naramdaman na gusto ko na yun trabaho na yun. Yun dating ako na kuntento at masaya dito sa present work ko biglang nag 360 degrees na hindi na ako masaya.

Mga 2pm may nareceived ako ng email from Talent Acqusition. May form na kailangan akong i fill up. Medyo na excite ako ulit pero sa kabila ng excitement parang may devil na nagsasabi na hindi ko makukuha yung work. It's a freakin' weird feelings.

Pakiramdam ko ganito yung setting nung nagdadasal si Jesus tapos may demonyo na umaaligid aligid sa kanya saka sinusubok yung faith niya.

Basta wala ako sa mood buong maghapon. Gusto ko mag 5pm na para makauwe at mafill up ko na yung form. Di ako maka concentrate sa work ko. Kaya madalas ako lumalabas para lumakad at kumuha ng tubig o tea.

Pero mabait si God ayaw niya ng nakakaramdam ako ng ganito. Lumabas ako ulit at nakasalubong ko sa hallway yun isang Indiana na nakatrabaho ko dati sa Systems Integrations. Kinumusta niya ako at inalok na sumali sa Team nila. Sabi ko kinakalawang na ako sa pag-iintegrate dalawang taon na akong naiba ang linya at besides UMTS na yan di ko pa yan nagagawa.

Sumagot siya "I know you are very good in Integration. I just recently joined and I also do not know UMTS but I was able to catch up. I surely believed in you. If you are interested let me know and I will talk to my manager." sa sinabi niya napangiti ako. Nawala yung lungkot na nanararamdaman ko.

Yung lungkot na di ako alam kung saan nagmula, kung ano ang nag tri-trigger... dahil wala naman akong dapat ika-pressure... dahil may trabaho naman ako at sa mahigit pitong taon ko dito hindi naman ako nahirapan sa paghanap ng kasunod na project everytime natatapos ang isa.

Siguro talagang kasama na ito sa isang contractor ang magkaroon ng anxiety kapag nakikita at nararamdaman mo na di maganda ang takbo ng mga projects. At wala ka namang proteksyon dahil kapag sinabi nila na hanggang ngayong araw na ito ka na lang eh wala ka namang magagawa.

Siguro ineexplain lang sa akin na dapat na talaga ako mag permanent.... Hmmm we'll see.

By the way, Service Key used to trigger services in the SCP. They are retrieved when Cs+1 is used from the HLR.

Pero ang kalungkutan ... di ko talaga alam.

"I am the LORD your God, who teaches you what is best for you, who directs you in the way you should go.” (Isaiah 48:17)

Thursday, August 28, 2008

Deal or No Deal

Natapos na ang Final Interview. Nagawa ko na yung part ko at katulad ng aking palaging idinadasal bahala na si God kung para sa akin talaga yun Job or not.

Sa ngayon hihintayin ko na lang ang kanilang decision. Nakatanggap na ako ng email sa HR:

Hi Liberty,

I will be in touch once I receive feedback on your candidacy! I anticipate this will be sometime next week.

Thanks - J

Nakakatuwa ding mag-apply. Kakaibang experience. Yun bang kailangan mong mag prepare... Nagawa kong magbasa ng mga old notes, training materials at kung ano mang references na sa palagay ko ay pwedeng maitanong.

Tatlong klaseng interview. Una sa HR ... mga 20 questions kumbaga initial interview kung qualified ka sa Job Opening nila. Pangalawa naman ay Technical at ang Hiring Manager ang magtatanong sa iyo kung ano yung kaalaman mo at kung pwede ka nga at angkop sa Position. Pangatlo yung sa Director... may kaunting Technical questions, pero mas nakararami yung mga Trivial questions about your strength, your weakness... kung ano ang nagmomotivate sa iyo at isang simpleng role playing kung papano ka magrerespond sa isang situation.

Isang masayang experience. Na refresh yung mga Technical knowledge ko and through reading those materials above nadagdagan yung kaalaman ko sa work na ginagawa ko at present. Kung minsan kasi nakakatamad ng magbasa lalo na pag madaming troubleshooting sa opis at kadalasan kasi nakakatamad din at mas madali matutunan ang isang bagay kapag may pressure.

Let's wait and see if there's a new hat for me :P

Tuesday, August 26, 2008

Tira-Tira

Ayus nakalusot ako sa interview ng Hiring Manager. 40 minutes na sinubok ang aking kaalaman. Kahit phone interview lang medyo bloody... Sunud-sunod ang tanong sa akin tungkol sa Charging System, Prepaid, CAMEL at Intelligent Network. Hindi pa siya nasiyahan at pati mga commands sa Unix at pagkakaiba ng syntax ay pinapaliwanag sa akin.

Mabuti na lang naaalala ko yung karamihan pero yung hindi ko ma recall buong katapatan kong sinabi na hindi ko na matandaan ito. Mga Test Systems at Tool na nagamit ko na at kung papano ito gamitin. Sa malamang hawak-hawak niya ang resume ko at kanyang inaalam kung tutuong nagamit ko na yung mga nakasulat duon.

Hello! di ko naman kaya ilalagay doon yun kung di ko nagamit. Pero siyempre yung iba doon di ko naman na ginagamit sa current job ko so hindi ko na masyado ma recall yung saktong mga Commands. Hmmm sabi nya "Good enough".

Tinanong ako sa Daily Routines ko. Kung papano ako mag perform ng mga System Health Checks at ang mga Preventive/Operations and Maintenance job ko. Nilitanya ko sa kanya isa-isa at sinabi ko na yung karamihan meron na akong personalized scripts na ginagamit para mapabilis dahil madami akong Nodes na hawak.

Out of nowhere sumulpot na naman ang hinayupak na Unix commands... Mabuti na lang tungkol lang sa cron jobs at nasagot ko ito ng buong tapang. Sabi naman niya "That's the correct answer". Hay mabuti nalang at may tinotroubleshoot ako na isang Backup script at anduon yung ilang tanong niya.

Pagkatapos bumalik na naman siya sa GSM call flow at IN call flow. Sumimple sa mga First Interrogation at kung anong protocol ang ginagamit. Kahit malamig sa lugar na kinauupuan ko nararamdaman ko na pinagpapawisan na ako sa sunud-sunod na tanong.

Sa huli sabi niya salamat sa oras na binigay ko para sa interview. Napasalamat din ako. Sabi niya may tatlo pa daw na kailagan siyang Interviewhin at makakatanggap ako ng tawag next week kung ano ang magiging resulta.

Nang matapos ang interview para akong nadrain. Pero sa isip ko ok na yun and si God na bahala kung natuwa ba siya sa mga sinabi ko or hindi. Para sa akin isang magandang experience at madami akong natutunan habang nagpreprepare. Sa isip ko mga 70% siguro yung nasagot na para sa akin ay tama.

Lunes ng umaga tumawag ang HR at sinesetup ako sa Personal Interview sa kanilang Director. Tinanong ako kung pwede ako ng Wednesday 2pm. Sabi ko baka pwedeng 1pm para mag late lunch na lang ako. I-confirm daw niya sa email.

After 10 minutes nakatanggap ako ng email 3:30pm lang daw available ang Director. Sinagot ko ang email na ok na sa akin ang 3:30pm. Mag-undertime na lang ako at uuwe ng 2pm para makapagbihis tutal malapit lang ang bahay ko at malapit lang din ang opisina nila.

Saka ko naisip na hala kailangan magbihis ng maayos. Ano kaya isusuot ko? Nag message ako sa kumpare ko na may personal interview ako. Tinanong ko siya kung ano ba dapat ang get up kasi kakapermanent lang din nya sa isang Local company. Sabi niya "Mare dapat formal... naka coat/blazer". Sumagot ako naku lalabas nanaman ang matutulis kong sapatos na walang linsensya. Tawa yung kumpare ko.

Ewan ko wala kasi ako hilig magbihis ng formal. Wala kasi akong napasukan na nagrerequire ng formal na get up. Ay meron palang isa yung sa Head Office. Mabuti na lang palagi akong naka OB- Official Bussiness kaya bihira ako sa loob ng opis. Actually na memohan na nga ako mabuti na lang ng i serve nila yung memo nakapag resign na ako hehehe.

Dito naman kasi sa current work ko hindi din mga formal ang tao. Kaya oks lang. Isang reason kasi kaya wala ako hilig magbihis ng formal eh hindi ako marunong magplantsa. Sa maniwala kayo or hindi mahigit 7 years na ako dito na hindi nagplaplantsa. Kaya nga palaging jeans hindi masyado nalulukot saka polo shirts ng Lacoste. Pag na set siya sa de-wrinkle tapos na-ihang agad.... presto para na din siyang na plantsa. Sinubukan ko minsan nasunog ko pa pati yung sofa... hehehe hindi ko na inulit.

Pag Friday nga naka FMCC shirts ako ng damit o kaya Spoof. Lalo na pag Night-shift. Nakacapri lang ako or pag malamig naka jogging pants. Either yung birkenstock o merrel na sandals o yung official orange crocs lang ang suot ko.

Actually, gusto ko pag winter. Kasi palagi naka Coat/Jacket/Sweater ... Bukod sa hindi nakikita kung plantsado o hindi yung pangloob na damit. Natatago pa ang baby fats ko hehehehe.

At mabalik tayo sa interview. Bukas na yun at maisusuot ko na naman ang pinakatago tago kong 2-yr old coat na nabili ko sa outlet sa Ralph Lauren sa Las Vegas. Isang beses ko pa nga lang nasuot yun. Yung xmas party sa isang hotel na bagong gawa during that time. Uy Christmas party pala yun sa T-Mobile... at eto sa T-Mobile ko din isusuot. Sana swerte!

Basta Tira-tira!

Tuesday, August 19, 2008

Do i need to wear a new hat?

I am happy with my current job. The office is just 4 miles from my house. I really saved a lot of gas considering how gas price soars.The work environment is awesome plus the opportunity to learn all the platforms like Service Layer, Prepaid, Core etc.

Last Thursday morning, my former boss asked me if I am interested to work as permanent in his group. Suddenly napaisip ako... Hmmm 7 years and 3 months na akong contractor, yung 5 years dun 100% travel. Dito lang sa current job na ito ako nagtagal ng 2 years na di kailangan mag road trip na naman ng tatlong araw. Lumilipat lang ng work place pero hindi kagaya dati na inter-state ang biyahe.

Ano kaya kung magpermanent ako? So compute, compute at compare compare. Pag contractor ka kasi may perdiem na tax free... malaking bagay yun na mga almost 35% ng gross mo eh hindi ma tataga ng tax ni Uncle Sam.

Kung mag perpermanent ako lahat taxable... pero may Vacation leave, Sick leave, Maternity leave at magandang Medical benefits. Plus mo pa yung Quarterly bonus at kung anu-ano pang perks.

Actually eto yung ayaw kong time yung kailangang mag-decide at mag-isip. Ganitung-ganito yung pakiramdam ko nuong nagwowork ako sa Switch sa probinsya. Nuong na offeran ako lumipat sa Head Office sa Manila.

Sa probinsiya malapit sa bahay. Libre pa nga hatid at sundo dahil mga tropa yung OSP at yung kasamahan sa Switch at sa Sales. Pwede din mag motorbike lang ako nasa office na ako. Pag-uwi sa bahay may nakahanda ng food. Mag maglalaba ng damit ko at magplaplantsa. Sarap hay kailan kaya ulit???!!!

Yung sa Manila. Bagong opportunity, mas malaki ang Sweldo... may mga Trainings at tipong Corporate Life. Di gaya sa probinsiya pwede nga kayo mag tong-its at uminom pag hapon na basta pag nag ring yung phone maayus kang sasagot.

Pero sa Manila... kailangan kong mag commute, umupa ng apartment (maki share pala kasi
mahal ang upa), Maglaba at magplantsa ng damit ko... at problemahin pati yung food kasi hindi ako marunong magluto.

Pero pinagdasal ko kay God na kung saan po ako mapapabuti duon po ako ninyo dalin. Ayun nakabangga ko yung supervisor kong malaki ang butas ng ilong. Kaimot kasi ayaw magpahiran ng sasakyan di naman kanya sus. So ayun parang di na ako naging masaya na nakikita ko siya araw-araw. (Actually siguro sa sobrang inis ko napaginipan ko pa yun na hinigop ng malaking elisi tapos naputol putol yung katawan nya.... hehehe weird pero tutuo yun... Tawa nga ng tawa yung kumpare ko ng nakwento ko sa kanya)....Plus may iniwasan pa akong isang relationship na dapat talagang iwasan. Kaya kahit masayang mag-abang ng fishball sa hapon sa tapat ng office at lumabas ng lunch time para bumili ng pirated cds... Lumuwas ako ng Maynila at nagpa-usok at nakibaka sa traffic.

Malaking adjustment kasi hindi na aircon yung tinutulugan kong kwarto. Syempre baka katukan ako ng ka share ko sa apartment ... kamahal kaya ng kuryente. Every week para akong student na umuuwi sa probinsiya dala-dala yung damit for the whole week at sabik na sabik sa luto ng Nanay ko. Pero natuwa naman ako sa trabaho ko kasi nakakuha ako ng madaming Trainings. Nabigyan ako ng chance humawak ng project at nalibot ko yung boung Luzon.

Naranasan ko isakay yun FX sa
boat at tumawid ng Abra de Ilog para gawin yung isang site sa Mamburao. Ang makikanta sa videoke sa Pier habang naghihintay ng boat.(Loko yung may ari sabi sa akin pag naka score ako ng 100 bibigyan ako ng isang litrong coke... Bumirit ako ng I will survive at naka perfect score ayaw ba naman ibigay...Ayun nagalit yung mga nanunuod nung akmang maghuhuromentado na eh natakot yun may ari ng videoke nagbigay na din hehehe.)

Naranasan ko din ang makijamming sa
Security guard sa Iba, Zambales habang pumapapak ng isdang yellow pin na inihaw ni manong. Ang makinig sa kwento ng mga Alien sa Binalonan, Pangasinan habang nakikipag-inuman sa Hapon na nag-uupgrade ng switch.

Masaya na mga experience, madaming kaibigan ang nakilala... yung mga dating nakakausap ko lang sa phone at nakacoordinate. Nagkaroon sila ng mga mukha. At ito din ang naging daan kaya ako nakapunta ng Amerika. Yung mga trainings at yung buyo ng mga kaibigan para mag-apply. Sa tutuo lang wala kasi talaga sa isip ko ang pag-aabroad. Kaso lang yung mga katropa isa-isa ng naglilipadan, nalungkot ako na maiwan kaya sabi ko sige nga sali din ako... apply na din.

November
2000 nag submit ako ng application. Wala lang hehehe. Tapos na interview ako then April 2001 sabi approved na daw yung Visa ko at may flight schedule an ako ng May. Nasa Tuguegarao ako ng tinawagan ako ng recruiter. Schedule ko daw ng Monday morning 9:00am sa embassy para sa Visa stamping. OMG lumipad yata yung Tamaraw FX from Tuguegarao to Manila. Nang matatakan na yung passport ko. Saka ko lang sinabi sa Nanay ko na pupunta ako sa Amerika.

Syempre ang Nanay ko ayaw
maniwala kasi wala pang isang taon ng magpaalam ako sa kanya na lilipat ako sa Head Office tapos eto nagpapaalam ako na pupunta ako sa Amerika at duon mag tratrabaho. Bakas sa mukha ng Nanay ko yung magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil syempre malayo yung pupuntahan ko at alam nya ang buhay ng nagaabroad dahil dati din siyang OFW. Masaya dahil sino ba namang ina ang di magiging proud na may anak siya na pupunta sa AMerika na ni singko walang babayadan at ng makita nya yung contract na ganitong $$$ yung swesweldohin ko nag multiply na siya at sabi anak di ba joke yan? Sumagot ako na Nanay ako din po ay di makapaniwala na yung isang linggo na sweldo ko sa Amerika ay katumbas na ng isang taongkong sweldo dito sa Pilipinas.

Nakuha akong Consultant!!! hehehe hindi talaga ako makapaniwala.... Pero sa ngayon naniniwala na ako kasi nga mahigit 7 years na ang lumipas at eto nagtratrabaho pa din ako dito at kahit papano nabigyan ko na ng magandang buhay yung pamilya ko.

Ngayon eto na naman ako sa pagdadasal kay God na kung saan ako mapapabuti yuon ang mangyari sa akin. Last Thursday nag submit ako ng resume sa isang Telecom Company dito sa TX. Nagkaroon na ako ng initial interview last Friday, tinanong na ako kung magkano ang gusto kong sweldo. Hehehe syempre tinodo ko na kasi nga lahat taxable na ei. Sabay pray na God kung ibibigay po yung sinabi ko ibig sabihin gusto nyo na ako lumipat duon. 20 minutes yung interview at tinanong ako kung kailan ako magiging available at tatawagan daw ako ulit para sa interview sa Hiring manager.

Yung weekend ko di ko maalis sa isip ko na parang eto na naman... Masaya kasi ako sa current job ko ... at mag dadalawang taon na ako dito sa katapusan ng August... Hay ano kaya mangyayari???? Then Sunday 6pm na ako nakapag mass dahil na late ako ng gising. Pinagdasal ko ulit na God bahala na po kayo.

May work kasi ako ng Sunday night kaya wala na akong pasok ng Lunes... nagising ako ng 11am at habang kumakain ako ng breakfast nag ring ang cellphone ko. Tinatanong kung available ako for interview ng Wednesday about 3pm. Sabi ko hindi ba pwedeng lunch time para di makaabala sa current work ko... mabait naman sabi sige Thursday 12pm tapos nag thank you na siya sa akin at expect an email confirmation daw.

Mga 5 minutes may dumating na email may kasamang attachment at sinasabi kung anu-ano ang benefits na maibibigay ng company nila. Nakasulat duon yun pangalan ng Manager na mag-iinterview sa akin. Indiano... hmmmm sana mabango ay mali.... I mean sana mabait :P

Kanina habang nasa office ako nagbabasa basa ako at naghahanda sa interview ko. Pero ewan ko parang half-half ang puso ko. Tinitignan ko yung mga kaopisina ko na nakapaligid sa akin. Yung cubicle ko... parang ayaw ko na ewan ko. Pero nagdasal ako ulit na God bahala na po kayo. Basta ako magpreprepare at gagawin ko yung part ko.

Hehehe kwela din kasi ako mag-isip as if naman tanggap na ako hehehe at aalis na. Natuwa nga ako sa mga kaopisina ko na ibang lahi yung mga ka close ko kasi sabi nila pagbutihan ko daw. May nagbigay pa ng mga documents na sabi basahin mo yan baka makatulong. Pero nakakalungkot lang din yung isang kalahi na kaopisina ko. Sinabi ko kasi sa kanya yung idea ko na sumubok mag-apply... sabi niya irerekomenda kita kasi kilala ko yun visor duon pero kailangan sabihin natin ganito yung alam mo kasi syempre pinoy yun ayaw kong mapahiya. Sabi ko na lang ay wag na mag-aapply na lang ako sa kakilala ko ayaw ko na masira ka pa sa kakilala mo dahil sa akin. Hmmm ala lang mas naramdaman ko lang talaga yung suporta ng hindi kalahi. Minsan naman kasi ok din naman yung ibang lahi basta napakita mo sa kanila na ok ka.

Yun tatlong di kalahi nga nag explain-explain pa sa akin na baka daw itanong yung ganito ganun eto ang tamang pagsagot, yung kalahi naman natin sabi ko ay may 30 minutes ka ba pakiexplain naman sa akin ito o... Sabi sa akin naku busy ako! Oh well... baka busy nga at wala siyang 30minutes hehehe.

Basta susubukan ko lang wala naman mawawala sa akin. May trabaho naman ako at walang masamang sumubok. Nakaka excite din naman kasi yung may pumapansin sa resume ko at may tumatawag at nagtatanong kung available ako :P


Sunday, August 17, 2008

Night Shift

Ang aking official night shift tsinelas. Kasi pag inaantok na ako tinitignan ko lang at nagigising na ang diwa ko. Nakita nga ng boss ko sabi sa akin madali daw ako malolocate via Satelite dahil sa kulay :)


Sabi ko trip ko lang po bumile ng tsinelas na comfortable eh naka sale ng $14.99 yung ganyang kulay. Yung iba kasi $29.99. Parehas din naman silang tsinelas. (Lumen ikaw ba yan?)

Di pa natatapos ang duty nasalubong naman ako ng isang mashonda kong ka opisina. Ang sabi naman niya "What's with the Mac Donald shoes?". Sabi ko na lang inggit lang siya kasi pangbata lang ito :P

Natulog ako buong Sabado. Hirap mag-adjust ng oras everytime galing ka sa pang-gabi na trabaho. Feeling ko na stress ako kaya naisip kong mag bubble bath habang nag sa-sounds. Kaso pakiramdam ko makakatulog na naman ako sa sobrang pagkarelax kaya after 30 minutes eh nagbanlaw na ako :P

Saturday, July 05, 2008

Transition

Almost one week na pala ng huli akong mag post. Madami kasing pagbabago at kailangan kong mag-adjust. Sabi nga kami ay nasa transition period. Bagong amo, bagong workplace, bagong title, bagong responsibilities...I mean di pala bago kundi nadagdagan lang dahil yun dati kong ginagawa ako pa din daw ang gagawa... pero may bago pang ipapagawa... sa matuling sabi... kapag nag reorg mababawasan ng tao syempre maidadagdag sa iyo yung mga loads na dating ginagawa nung mga nabawas.

Pero I am always positive sa mga nangyayari sa buhay ko. Pasa sa akin isang malaking bagay yung naiwan ako ... kasi ibig sabihin nabigyang pansin din yung pagtratrabaho ko, pangalawa pagkakataon din ito para sa akin para matutunan yung ibang platforms na dating di ko hinahawakan at pangatlo chance ko din na makatrabaho yung ibang tao na maaaring maging bagong kaibigan at maaari ding makapag share sa akin ng kanilang kaalaman. At ganun din naman ako sa kanila.

Nakakalungkot lang nung nasa process na ako nag pag reremove ng mga users ng mga dati kong kasamahan. Pero life must go on ... And alam ko naman na may ibang nakalaan para sa kanila.

Kagaya nga ng sabi ng aming amo sa meeting ... It will be hard sa una... pero acceptance ang kailangan at yung pagiging positive palagi sa lahat ng pagkakataon.

Dalawang araw na akong nagduduty bilang isang Front Office Engineer. May mga bago na din akong natutunan and mga ilang araw pa siguro lalo na pag nasali na ako sa shifting schedule masasanay na din ako.

Medyo na stress din ako sa mga pagbabago. Mabuti na lang may mga email at pictures ako na natatanggap mula sa mga kaibigan katulad nito.

Syempre kahit sino naman ang maka receive ng ganito... Lalo na galing kay Idol Kiko ... ma iinspired. At dahil dito nakapag-isip ako ng blog entry na pwede kong gawin bukas.

Salamat idol! You made my day.... Of course Proud Pinoy ako palagi lalo na ngayon na ako na lang ang Pilipino sa group namin... I will forever believe in the Three Stars and a Sun :)


"Gawaing pinoy ipagmalaki... isigaw sa mundo at ipagsabi..."

Thursday, May 22, 2008

Bored

"Thanks for making Prepaid boring again"

Natuwa naman ako sa email ng VP namin. Ilang lingo na din kasing walang masyadong ingay ang Prepaid Platform. Tunay na kaligayahan kasi para sa mga Manager ang hindi sumakit ang tenga nila sa pakikinig sa Outage bridge. Kasi kapag may outage hanggat hindi ito nasosolve kailangan anduon ka nakikinig at hinihintay kung ano ang magiging resolution. Kapag medyo minalas yung Customer hindi mo na din gusto pakinggan yung mga sinasabi. Pero Customer is always right kaya magpapakahinahon ka hanggang sa abot ng iyong makakaya.

Dati kinakabahan ako kapag may Outage. Alam ko naman yung ginagawa ko kaya lang kapag yung Customer nagreklamo at alam kong tama ako hindi ko maiwasan na makipag sagutan. Syempre pagkatapos mapapagalitan ako kasi sinusunod ko yun kontratra yung tinatawag nilang SLA or Service Level Agreement. Dito kasi nakasaad kung Non Service Affecting, Minor, Major o Critical ang isang alarma at kung papano mo dapat mag respond. Kadalasan kasi Minor lang yung alarma pero gusto ng Customer ayusin mo agad yun bang parang siya lang ang Customer namin. Nababaliwala yung agreement. Nakalagay naman sana na pag Minor within 16 hours. Minsan sinusunod mo lang yung tama pero lalabas ka pang mali.

Isa pang bagay na medyo nakakapag pakunot ng nuo. Gumawa ka na ng MOP - Method Of Procedure. Sinulat mo na lahat duon ang bawat detalye. As in step by step. Kulang na lang isulat mo na huminga ka muna ng malalim bago mo pindutin ang Enter Key. Pero tatawagan ka pa tapos tatanungin ka. Ang gagawin ko lang naman ay babasahin ko yung isinulat ko duon sa dokumento. At sasabihin sa akin na "I know". Napapakamot ako sa ulo. Bakit kailangan ko pa sabihin lahat ang nakasulat?

Pero sa magdadalawang taon ko sa Departamentong ito nasanay na din ako. Kung may Outage ngayon. OK lang yan wala namang problema na hindi nasosolusyunan. Saka sabi nga ng boss ko "It's just another Outage". Tama naman kasi bukas meron ulit basta gawin na lang lahat ng makakaya para maresolba at ng matapos na ang conference bridge.

Natutunan ko ng maging kalmante at sabihin na lang kung ano yung gustong madinig ng Customer. Tutal wala naman siya magagawa kasi nagtrotroubleshoot pa ako. Uminit man ang ulo nya at mag taas ng boses hanggang duon lang naman siya. Hihintayin pa din nya ako hanggang maresolve ko yung problema. Besides kapag nafixed ko naman na magpapasalamat naman siya sa akin. Natural lang siguro sa kanila yung mag panic kasi bawat minuto na nawawala pera yung katumbas sa negosyo nila.

I am glad I am bored.

Sunday, May 11, 2008

The Windy City and The Arch

I worked in Chicago in 2003. The Cingular genesis project. I stayed there for 5 months and also a 2-month Nokia Changeout project in 2006. But It was not the first time that I visited the place. Yung una was in 2001. Isa lang naman ang hindi pwedeng di ko balikan at puntahan basta natungtong ako ng Chicago - si Ate Lorraine. So yung 4 times na napunta ako dun syempre 4 times din ako nagpunta sa bahay nila.

While working in Chicago. The places that I visited were the Sears Tower, the Buckingham Fountain, the Millennium Park, The Wrigley Field, the Navy Pier, china town, downtown Chicago at syempre mga Outlets :P

Every time my project ends at pauwi na ako ng Dallas. Palagi ako dumadaan sa St. Charles, MO. A place where I used to stay nung time na nawalan ako ng work. I loved the Gateway Arch. Ewan ko pero pag tinitignan ko yung arch na aamaze akong masyado.


I also loved the people so much. They are my family away from home. Ibang klase sila, imagine hindi ko sila relatives pero pag anduon ako they treated me as one.



From Missouri 633 miles pa ang byahe para makabalik ng Texas. Kaya itravel ng one day basta magstart ng around 6am. But I left St. Charles at 2pm kaya nag-overnight muna ako sa Oklahoma.

Dito ako palagi nagpapa gasoline, snacks and syempre pa kailangan natin mag restroom basta nag lolong drive. Jollibee pa din sana kung merong madadaanan hehehe.

Pag nakita ko na ang Welcome sign ng Oklahoma nawawala na yung pagod ko kasi alam ko ilang oras na lang nasa Texas na ako... nasa bahay na ako... Makaka rest na din sa wakas!

Bay Area

The AT&T GSM roll out in California started in 2002. I first did some BSC start up at Oxnard and when the switch was handed over for Acceptance the project manager sent me to Bay Area to do 4 more BSC/TRCs.

RBS integration was at peak. We are doing simultaneous work in San Francisco, Fresno, Stockton and Reno. I was able to be a part of the integration team and I was stationed at Sta. Clara AT&T switch.
We were working 10 to 12 hours per day to meet the target. The only relaxation time is on weekends.
I went to 17-Mile Drive at Monterrey with Ate Malou's family. I rented one of their rooms. Their apartment was 2 miles from the office.

Ninong JT visited me and brought me to the Golden Gate. We ate lunch at Pier 39 and do some souvenir shopping.

I also had the chance to visit my friends Leng-Leng and Cherry in Concord. As well as Ninong JT's family.



For 6 weeks, I was requested to work in Reno, Nevada. The office was located at the back of a casino ( too bad I'm not a gambler ). But I enjoyed the free drinks hehehe and freebies at Fitzgerald's. It also gave me a chance to see Lake Tahoe.

I celebrated my birthday in Napa Valley. I enjoyed wine tasting and the spectacular performance of the Old Faithful Geyser.

The project slows down and I was released by the end of October 2002. I should say that this project was one of the busiest in terms of bringing up new sites and going from one great place to another.

Saturday, May 10, 2008

The Las Vegas Strip, The Hoover Dam and The Grand Canyon

I had a 2-month project in T-Mobile Las Vegas. I was able to celebrate Christmas 2005 and also welcome the 2006 with a blast! Pag nasa Vegas ka syempre panalo sa libutan kulang ang 2 days para ma visit mo lahat ng Hotels para mag usyoso, mag picture picture at mag shopping.

Since the Hoover Dam is just between Nevada and Arizona, isa din ito sa madaling puntahan at libutin. What we did was nag purchase kami ng Bus Tour para makita yung Grand Canyon. Part ng trip yung pag stop sa Hoover Dam for 30 minutes to take pictures and to have a short sight seeing.


After 4 hours trip nakarating din kami sa Grand Canyon. Ang ganda GRABE! lalo na pag tinatamaan ng araw kasi parang nag-iiba iba yung kulay. Ang tanging naisip ko that time was ang galing talaga ni God. Kasi ibang klase talaga.

Sandy Eggo

The next project was in T-Mobile San Diego. I was lucky because while I am working on my badge for the Switch access nagpapamigay ng ticket yung boss for the Miramar Airshow. Pag binwebwenas may work na may libreng ticket pa :P


I love the weather in San Diego. Ito na yung pinaka gusto kong place. Kaso di ko kayang bumili ng bahay dito. Grabe ang mahal... lumang bahay $500K... hehehe mansion na yun sa Texas. Madaming libutan saka madaming Filipino store. Hindi ko naging problema yung food. Madaming choices... may Jollibee, Chowking, Red Ribbon saka mga Pinoy owned restaurant.


I had the chance to visit San Diego Zoo. Ayus para akong bata na naaliw sa mga animals.

At nagkita kami ulit ni Shamu. The last time kasi na nagkita kami was in San Antonio and ang tagal na nun 2001 pa. Reunion namin di ba? hehehe.


I also had the chance to see Coronado and LaJolla Cove and a dinner with Brod Eman and his family at Miramar.

My Trip to Cali


It was July of 2005 when my Rehome project ends. Rich Corso my boss sent me to California to work on Cingular Upgarde. Checking Microsoft Street and Trips... Whew 1437 miles of drive. First stop will be New Mexico.

Naku malayo pa pala... drive na ulit... Yung iba kaya nila ng one day yung trip pero since kami ni bornoks medyo may lahing turtle :) 2 days syempre yung trip. I took I-20 then I-10 all the way to Indio, CA.
It was almost 7pm ng makarating ako doon. I checked it at Best Western Hotel. I was so tired ... I will continue my trip tomorrow. And since holiday ang 4th of July. Lilibot muna ako sa downtown Disney. Hehehe di pa nag sisimula ng work gagala na.





July 5 nag start yung work ko. I did BSC upgrade at Riverside, CA. It was a short project but I did enjoy a lot because I was able to meet a tester from Brazil and learned to work on an IP Switch.

The next project was in T-Mobile - Sta Fe Springs. A 3-week O and M project - I was a reliever to an Ericsson Supervisor that will take a short vacation. That was my first T-Mobile project. Enjoy din I stayed in Downey, CA. Dito ko din napanuod yun concert ni Bamboo.


Galing ni Bamboo. Mahal ko na siya!!! :P


At higit sa lahat, I also had the chance na makalibot sa Catalina Island at sa Newport Beach.

Wednesday, May 07, 2008

7 Years with CST

It's been seven years. Ang bilis lumipas ng panahon. Ang payat ko pa dati 110lbs lang ako ng dumating ako sa US. Hindi pa naka Wifi ang Candlewood Suites. Ang una kong naging tahanan. CD Rom pa lang ang included pag bumili ka ng laptop at kapag 1.3 Megapixel yung digital camera mo cool ka na.
May 7, 2001 nag sign ako ng contract sa CST. Unang project ko SBC Wireline as installer/switch tester. Si kuya Natz ang nagtyagang magturo sa akin. Ako lang ang babae sa group namin sa DFW area. Si kuya Larry naman ang nagpahiram sa akin ng $100 kasi after 2 weeks pa bago sweldo eh wala na akong pera :)

And since wala akong talent magluto si Kuya Ome naman yung mahilig magluto. I am so blessed imagine dito ko lang sila lahat nakilala pero they helped me. Madami pa silang nag guide sa akin kagaya ni Kuya Vergel si Mon etc. Yung unang group picture namin sa Palayok yun lahat sila.


But because of the September 11 incident nag slow down ang mga project. Akala ko nga uuwi na ako kasi nag release na ng mga tao. Pero siguro I was destined to stay here. After 3 months na walang work nag boom na ang GSM. Sinwerte na makapasok sa AT&T project and the rest is history.

Dito ko na nakasama ang ibat-ibang engineers. Amerikano, Pilipino, Swedish, Indian, Vietnamese, Chinese, Portueguse, Venezeuilan, Cambodian, Canadian, Nigerian, Mexican at marami pang iba.

Ilang projects na din ang natapos ko may Turnkey projects, Genesis project, Liberty project actually kahit ano basta may trabaho ok sa akin. Installation, Harware Testing, Integration etc. Lakasan lang ng loob yan. Yun ang pinaka masasabi kong puhunan ko yung prayers at lakas ng loob. Wala namang imposible kapag determinado kang matuto. Ang importante sa ganitong klaseng trabaho yung pakikisama kasi kayo kayo din ang magkakasama sa mga projects.

Nakakalungkot kapag natatapos ang isang project kasi nakakaclose mo na yung mga tao tapos magkakahiwalay hiwalay na kayo. Dati pag sinabihan na ako na marerelease ako para akong nagkaka anxiety na di ko maipaliwanag. Pero nasanay na din ako. God always provided me with a better work after mag end ang isang project. Nasanay na din ako magbiyahe ng malayo, matulog kung saan hotel abutan ng gabi.

Looking back masasabi ko na nagtagumpay na din ako sa field ng telecoms. I was able to help my family and provided them yung mga bagay na wala kami nuon. Masasabi ko ding madami akong natutunan from being an installer, maging tester... from wireline to GSM... ngayon UMTS na though hindi ako nag-iintegrate ngayon I am happy doing Core, IN Preaid at Service Layer works.

Working in the Back Office team for almost 2 years now. I learned a lot and I hope to learn more.

Kay God - Salamat sa lahat ng blessings.

Sa Family ko - Salamat sa prayers. Kayo ang inspiration ko.

Sa mga Kaibigan - Salamat sa pag-aaccomodate nyo sa akin kapag naaassign ako sa lugar nyo.

Sa CST and staff- Salamat sa pag sponsor nyo sa akin. I was able to work here buy a house and get my permanent residency.

Sa mga nakatrabaho ko - Salamat sa mga naituro nyo sa akin. Sa mga naturuan ko naman sana magturo din kayo sa mga bago. Kasi pasahan lang naman. At sana magkatrabaho tayong muli.

Sa mga naging manager ko - Salamat po sa pagkuha nyo sa akin at pagtitiwala.

Sa SouthWestern Bell, AT&T na naging Cingulat at AT&T Mobility na ngayon, Sa VoiceSTream na T-Mobile na ngayon sa Verizon, Seamobile, Cellular One of East Texas, Indigo Wireless, Chariton Valley, Suncom, Dobson, CBW, Ztar Singapore, Alltell, Rogers at RCC - Salamat sa inyo sana mag expand pa kayo para may trabaho kami palagi. Para walang nalulungkot at nawawalan ng projects.

Sa mga tao sa pictures. Maraming salamat and God bless

Sa mga wala sa pictures. Kasalanan nyo yun kasi masyado kayong camera shy :P






To my friends in Brazil - "Muito obrigado por fazer parte da minha jornada na vida"

To my friends from India - "Mera jeendagi ka prayan me ap mera sath tha...Shukriya"

To my TexMex - " Muchas gracias por acompaƱarme en mi camino"

To the Second Line Support in Canada - "Merci beaucoup de faire partie de ma vie"

To my Arabic friends - "Shukran Likawnicom Juzaen Min Rihlatee"

To my Chinese buddies - "dor tse" / "xie-xie"

To my Turkish pal - "Hayatimda ye aldiginiz tanima firsatini bono ver diginiz iain Tesekkurler."

To my Nigerian ore - "Mo dupe lowo yin fun ipa ti eko ni laiye mi"

To my Venezuilan amigo - "Gracias por ser una parte del viaje de mi vida"

To my Vietnamese ban - "Cam on ban da cung chung con duong voi toi"

To my Bangladesh mate - "Amar jatrai shathe thakar jonno dhonnobad..."


Post Note:

Salamat sa DIGITEL - Sa pagbibigay sa akin ng mga experience at Trainings na nakatulong para makapag abroad ako, sa pagtuturo ng tunay na kahulugan ng salitang pagtitiyaga, pagtitiis at pagpapasensya.

Salamat La Fortuna College - Sa scholarship para matapos ko ang second course kong Computer Engineering at sa mga naging students ko na naging kaibigan ko na din.


Monday, May 05, 2008

My Longest Road Trip

It was June of 2006 when I finished my contract with TMobile San Diego. The next project assigned to me was in Chicago. OMG! ang layo - I have to drive 4 days. Yun kasi ang draw back pag contractor ka kapag natapos ang project lipat na ulit. So I planned my trip. Ang first stop is Nevada. I took I-15 all the way then nag sleep over ako kina Norria.

The following day ang unang state na madadaanan ay ang Arizona. Along the way ay matatanaw ang Virgin River Canyon. Mapapansin na medyo brownish ang kulay ng madadaang mga bundok sa lugar na ito.

Pagnakalabas na ng I-15 ang susunod na state na madadaanan ay Utah, madaming akyatan akala ko nga hindi na kakayanin ng powers ni Bornoks hehehe.

I-80 na ang magiging daan once you passed Utah, pagkatapos ng bulubunduking lugar ay makikita ang view ng mga medyo mapulang bundok.



Kapag tinitignan ko yung daan para bang wala ng katapusan hehehe kasi pagkatapos ng bundok parang isang diretsong linya na lang na di mo makita yung dulo.
Hanggang makaarating na ako ng Wyoming dito na ako naghanap ng Hotel. Hindi ko kilala yung mga hotel dito pero who cares? Windang na ako at kailangan ko ng magpahinga. Pagkatapos ng 12 hours pakiramdam ko naubos totally drain na ako.
Exactly 7am simula na ulit ng byahe at ang sumunod ko namang napansin pumuputi na ang mga bundok. At halos puro malalaking trak ang aking kasamang tumatawid sa kahabaan ng I-80.
At nakakahiya mang aminin pero naligaw ako :( namali ako ng exit napasok ako sa I-25 papunta pala yun ng Colorado. Pero ok na din pose na lang ulit sayang din yun Welcome sign hehehe.

Nadelay ang biyahe ko ng 30 minutes dahil sa kaengotan :P at pagkatapos kong makabalik sa I-80 sa wakas nakarating na rin ako ng Nebraska.

I saw this statue along the road. Mabuti na lang maaga pa, papano kaya kung gabi ko nakita yan :P sa palagay ko aatakihin ako ng kaduwagan kasi pag malayo iisipin ko white lady.
Nagpalipas ako ng magdamag at nag-alis ng aking pagod sa malapit sa Iowa. Twelve hours of driving na naman ang natapos. Sabagay kinabukasan sa kalkulasyon ko mga 7 hours na lang at makakarating na ako sa Chicago.

Relaxing ang tanawin sa Iowa. Green ang makikita sa kapaligiran. Medyo makitid na yung daan at siguro luma na yung espalto kaya may mga lubak na di naman kalaliman.

Sa wakas nakarating na sa destinasyon. Salamat kay God sa mabuting biyahe. A total of 2,200 miles ang naging travel ko kasama na pati pagkakaligaw hehehe.