Showing posts with label Sports. Show all posts
Showing posts with label Sports. Show all posts

Friday, August 08, 2008

Ocho Ocho Ocho

Ngayon ang simula ng Beijing Olympics.

GO for GOLD!.

Friday, August 01, 2008

Takbo

Inspired pa din ako sa aking pagtakbo araw-araw. Lalo na kanina nakadami ako ng lafang ng pizza. Kahit veggie pa yun ei matinding calories sigurado yun :P


Sabi kasi ng doctor ko kahit nakaupo lang at walang ginagawa nakaka burn tayo ng 1000 calories sa isang araw.So dapat kumain tayo ng tama at mag consume ng at least 1000 calories para mapalitan yung nawawala. And to stay healthy and fit dapat kapag kumain ka ng sobra kailangan mo mag karoon ng activities para ma burn yun excess. Kapag hindi ka nag exercise yung araw-araw na excess na yun pagnaipon na tataas na ang timbang mo at pabigat ka na ng pabigat. Mahihirapan ka ng umakyat sa hagdan kasi hihingalin ka na. May kasunod na yang mga kung anu-anong sakit. Tataas ang cholesterol level mo, sugar level mo at kadalasan sakit sa puso.

Dito ako tumatakbo tuwing hapon. 400 meters isang lap. Nakaka limang ikot ako araw-araw so parang 2km walk/run per day. Mahirap pag inatake ka ng katamaran. Isa lang ang solusyon magdasal na palaging sipagin at na sana palaging may nakaka inspired na napapanuod na mga wafung nag prapractice ng football.

Para silang mga model ng abercrombie. Pakiramdam ko bench blackout araw-araw hehehe. Nakakatuwa din yung mga family na anduon pinapanuod yung mga batang tinuturuan ng mga daddy nila.



Thursday, July 31, 2008

Riparian Habitat

Dito ako nagsisimula mag bike. Nadiscover ko yung trail sa likod ng townhouse namin minsang pauwi ako galing sa pag jogging from Fowler HS. Oks pala dahil doon na mismo sa Briarhill ang lusot nito.

Madami ding tao ang nagbabike or naglalakad or tumatakbo kasama ang kanilang mga doggie... Hay na miss ko tuloy si bruna bigla. Mapuno kasi kaya malilim saka may lake sa bandang dulo.

Sunday, July 13, 2008

Inspired

Ako yung tao na madalas kailangan muna ng inspiration bago magkaron ng focus sa kahit anong bagay. Normal lang siguro yun diba?

Naalala ko nung college ako, nagkaron ako ng crush sa Civil Engineering department si Jerome - Member siya ng Archery team. 12pm palagi yung practice nila bago kami mag klase sa Physics. At sa mga ganong oras nakasilip na ko sa bintana para makita ko siya... Hindi kasi ako masyado kuntento dahil nasa 3rd floor yung room namin at sila naman nasa ground floor yung practice area tsk kalayo di ko ma view mabuti... hmmm naisip ko isa lang ang paraan para naman mas makita ko siya ng malapitan... ang sumali sa team :P

Pero my goodness... mahirap pala. Akala ko kasi basta hatakin mo lang yung string at saka mo bitawan oks na. Hindi pala... para akong na hazing... nagpasa yun kaliwang braso ko dahil pag di ka sanay tatamaan ng string yung balat mo at magkukulay violet siya kahit maglagay ka pa ng arm protector.

Pero sabi ko sa sarili ko ito lang ang paraan para palagi ko siyang makita. Kaso na brokenhearted ako huhuhu may nililigawan na pa lang classmate nya. Kaso ilang weeks na din ako nag tratraining at mabait yung coach namin saka yung ibang players. Tapos ok ang grupo kakain kayo sabay-sabay yun bang nakakamay walang maarte... Kahit yung karamihan sa grupo anak mayaman pero game sila... ok silang makisama. Lalo na si coach na instructor ko din sa Physics. Muka lang siyang strict pero cool siya ... kapangalan pa nya Nanay ko.

Sa huli nagfocus na din ako para matuto... hindi na yung para lang sa crush ko... Sinama pa kami ni coach sa laban nung mga senior players sa SCUAA sa Bulacan. Ok yung experience. Ang hindi lang oks kulang sa budget at walang masyadong gamit. Syempre yun mga anak mayaman parents nila mismo ang bumili ng mga pana nila. Eh nakupo di kaya ng Nanay ko yun baka ako pa panain nun pag nanghingi ako ng pambili.

Hindi man ako nakasali sa competition at hindi man naging kami ni Jerome. Para sa akin isang magandang experience yung natuto ako at nagkaroon ng kaibigan na parang pamilya ang turingan.


Dahil kumikita na at may trabaho na pinag-ipunan ko na makabili ako ng sarili kong pana. At paminsan-minsan nagprapractice na sana bumalik sa dati yung laro ko. Medyo hirap lang ako dahil malabo na yung mata ko at hindi na katulad ng dati.

Pero basta may chance ... gusto ko pa ding pumana.




Ngayon may bago ulit akong inspiration at siya naman ang palagi ko iniisip para ako ay magpapayat na hehehe. Sinimulan ko na ang jogging at ang Wii fit. sana maging successful :P