Usually kasi pag bumibili ako ng fish sa Asian store nililinis na nila at makikipag sign language lang ako sa mga Mexicano na naglilinis kung papano hahatiin or lilinisin yung isda. Saka bangus at tilapya lang ang palagi kong binibili dahil either iihawin ko lang naman yun or ipriprito. Hindi kasi ako madunong magluto.
Kahapon maaga akong umuwe and hindi naman ako nagugutom dahil every Friday may pizza sa office pag 5:00pm. Kaya I had my slice of Veggie pizza and some cinnamon rolls. After watching the TFC teleserye nag check ako medyo mainit pa sa labas di pa ok mag jogging so naisip ko na hmmm try ko nga linisin yun isda saka maipaksiw. Nag text kasi ako sa Nanay ko kung papano ipapaksiw yun isda and nag text back naman in details ... so Lemme Try!
Eto na po... linis linis... Yucky amft! ... Buti na lang di ko binili yung fish kasi daming natapon... ayaw ko nung ulo kasi nakakatakot kalaki tapos dami dami ko natanggal na lamang loob. Isang oras ko yata nilinis yun dalawang malaking isda. Sabi ng office mate ko para daw mawala yun lansa ibabad ko muna sa salt and apple cider ng 30 minutes... so ganun nga ang ginawa ko. Tama siya nawala nga yun funny smell... Kaso yun kamay ko pakiramdam ko ayaw mawala yun funny smell. Nakailang sabon na ako. Naisip ko tuloy i carwash si Bordek para mababad sa soap yun kamay ko and eventually mawala na.
Hmmm korek ako sa ginawa ko na yun... Nawala na yun amoy ng isda luminis pa yung kotse ko and exercise na din plus hindi na mainit kasi 8:00pm na kaya nagpunta na ko sa Fowler HS. May 2 weeks na din pala ako tumatakbo ng limang ikot sa Field nila. Nakaka alis kasi ng stress saka nakakatuwa dahil madami ding tao ang tumatakbo at naglalakad duon. Madami pa ding tao ang concern sa kalusugan nila.
Actually isa sa reason kaya ako sa area na yun bumili ng bahay kasi nakita ko yun field na yun saka yung tennis court. Pero nakakahiya mang isipin na after 18 months saka pa lang ako nagsimula tumakbo duon hehehe. Mabuti na lang at na inspired ako dahil ang laking tulong sa akin. Gumaan yung pakiramdam ko hindi na ako masyado hinihingal kapag umaakyat ako sa building namin, nawala yung back and knee pain ko. Sa mga kagaya ko kasi ang work na most of the time nakaupo at nakaharap sa computer yung circulation ng dugo hindi masyado ok dahil nga palagi lang nakaupo kaya maganda na maglakad lakad at tumakbo kahit 3 times a week.
At mabalik tayo sa isda... pagkatapos ko malinis OMG ang dami ... sa malamang mapurga ako sa isda :P





