Kaso lang naiinis ako pag nahinto ako ng ilang linggo then sasakit na yun dulo ng daliri ko kapag nag gitara na ako ulit. Yun ang di ok kasi magkakaroon ka ng kalyo. Kaya binigay ko na lang sa brother ko yung gitara. And mas talented yung kapatid ko dahil nagkaroon siya ng banda after that and duon na nagsimula ang Jayplay.
It was 2006 ng na-assign ako sa San Diego... na hilig naman ako makinig ng mga Akustik na mga kanta. So naisipan ko na naman bumili ng gitara. Search ako sa internet tapos click agad sa Add to cart. After 5 days nag gitara na ako ulit. Hindi na ako naiinis ngayon... kasi kailangan lang pala bumili ka ng mas ok na mga strings... mas mahal pero mas malambot naman hindi ka na magkakaroon ng kalyo masyado.
Nakakaalis kasi ng stress kapag tumutugtog. Na mimiss ko nga yung tugtugan namin ng mga dati kong kasamahan dito sa office. Dati kasi pag Saturday at swak sa schedule tumutugtog kami. Yun nga lang hindi talaga sa gitara ang destiny ko... mas natuwa ako sa drums.
Paminsan minsan nag gigitara pa din ako. Pero simula ng ni send sa akin ng pinsan ko yung link ng batang ito...
Lalo ako napaisip na mas gusto ko mag drums :P







