Sunday, June 22, 2008

Frankly Speaking

Ang bilis ng araw dati nagkacountdown lang ako sa pag-uwi eto pabalik na ako sa Texas. Sana wag madelay ang flight. 11am na ako umalis ng province... sumagupa sa malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong si Frank. Signal Number 3 sa Ecija... and ayun sa text ng kaibigan ko ganun din daw sa Manila. Isip ko nga baka gusto pa ako i extend hehehe.

Pero mabait talaga si God... pagdating ko ng Manila wala ng ulan. Ok pa nga walang traffic dahil ang mga tao di nakuhang mamasyal o mag mall dahil sa bagyo. Nakakapanibago nga ang kahabaan ng Edsa dahil wala yung mga naglalakihang billboards. Lahat naka roll down para hindi masira ng malakas na hangin.

Pagdating ko ng NAIA ang haba ng pila dalawang flights ng Cathay ang na delay. Buti na lang Marco Polo member ako ... di ko na kailangang pumila saglit lang nakapag check-in na din ako ng gamit. After ko magbayad ng 750 pesos na Terminal Fee wala na din naging problema sa Immigration. Syempre pa show ko lang yung green card ko then oks na.

Two hours din ako naghintay sa Lounge. Nakigamit ng free internet habang naghihintay. Exactly 5:30pm boarding na ... Yun nagsimula na ako ma sad kasi bitin yung bakasyon... kung pwede lang sana mag-extend pa ako... kaso hindi naman... Hay Layp!

No comments: