Apat na tulog na lang at connecting flights sa Vancouver at Hongkong pagkatapos makakatungtong na din ako sa aking lupang sinilangan... Yahooo! Mararamdaman ko na ulit pagkalabas ng eroplano yung nakakapanglagkit na init at ang maiitim na usok ng mga hari ng lansangan.
Tatlong taon ang aking hinintay makikita ko na ulit at makakasama ang aking pinakamamahal na pamilya. Ilang araw na akong nag-aayos ng gamit. Mga ilang bagay na binili ko para sa kanila. Ilang beses ko ng iniba-iba yun posisyon sa loob ng aking maleta. At ilang beses ko na din tinimbang kung pasok ang bigat nito sa limit na 70lbs.
Actually nuong una balak ko surpresahin na lang sila. Kagaya ng mga unang uwi ko, backpack lang ang dala ko, hindi ako nagpapasundo. Yun bang pagkababa ko ng eroplano mag taxi lang ako papuntang bus terminal tapos byahe na pauwi ng probinsya. Pero nung nahawakan ko na yun mismong Green Card hindi ko napigilan yung sarili ko na tumawag sa Nanay ko at halos mapasigaw ako at maiyak... matawa... ewan mahirap ipaliwanag yung nararamdaman ko... para ibalita sa kanya na uuwi ako.
Susunduin ako ng Nanay ko at ng kapatid ko. Sakto lang naman ang uwi ko para sa b-day ni Nanay at ng pamangkin ko. May 31 si mother at Jun 1 naman si Tin-Tin. Magkakaroon kami ng celebration sa bahay namin sa Sabado. Sabay na yung b-day at syempre ang pagpapasalamat sa blessings ni God lalo na sa aking Green Card.
Pero ang una kong gagawin pagdating ko ng probinsya ay ang dalawin si Inang. At makapagpamisa para sa kanyang 40 days.
Nagawa ko na ang aking itenirary. Apat na araw kami ni Nanay sa Singapore bilang regalo ko sa kanyang kaarawan. Tatlong araw naman kaming buong pamilya sa Boracay (Sobrang tuwa ko kasi napapayag ko si Nanay na sumama siya kasama ang Tatay ko at ang kapatid ko). At dalawang araw kami ng bespren Bachuchi ko sa Subic. Yung matitirang araw ng Tatlong Lingo kong bakasyon ay para makasama ang mga kamag-anak, kabarkada, kaibigan, dating klasmeyt, katrabaho, kabrod, kasis, kapitbahay mga ka tropa etc... :P
Syempre gusto ko din ma-enjoy at matitigang mabuti ang aking properties (Naks!)... ang aking pinaghirapan ng pitong taon... Dugo't laman... pinagpuyatang pagtrabahuhan... Naalala ko dati hinihipo hipo ko yung haligi ng Apartment. Sabay pasalamat kay God at binigyan nya ako ng oportunidad na matupad ko ang aking mga pangarap.
Tamang desisyon lang na pinaglakas loob kong ipagawa yun nung panahon na mataas pa ang palitan ng dolyar. Dahil kung ngayon ko ito naisipan baka malabo ng maisakatuparan.
Ilang gabi na din na di ako agad makatulog. Excited kasi ako masyado. Naiimagine ko na yung bahay namin, yung kwarto ko, yung swimming pool, yung studio... gusto ko ng paluin ng malakas yun drumset ko... paglaruan yun archery set ko... higit sa lahat yung maakap ko si Nanay at si Tatay... Makakalaro ko na ulit ng badminton si Nanay pag gising ko sa umaga. Makakakain na ako ulit ng tuyo, pandesal mga inihaw na isda sa kubo... makakain ng hot pandesal at mami sa FM... matikman ulit ang palabok sa Joey's... ang goto sa Hilton (hila-hila kariton)...yung papaet ng Giliw... ang siopao ng Marlou's at makaka kulitan ko na yung pamangkin ko... hays sana bumilis na ang paglipas ng mga araw...
Pwera sa mga pagkain :P ... madami pang tumatakbo sa aking isipan... ang mga bagay na gusto kong ma-experience na only in the Philippines lang pwede at ang mga magagandang lugar na hindi ko pa napupuntahan na napanuod ko sa Pinoy Channel.
Pero kapag binabasa ko naman yung itenirary ko kulang yung tatlong linggo. Pero sabi nga make the most out of it. Kailangan ko kasing bumalik dahil yung kasamahan kong Indiano naman ang magbabakasyon kapag nakabalik na ako.
At kagaya ng aking palaging dasal. Patnubayan ni God ang aking bakasyon at i bless nya ang lahat ng activities na aking gagawin sa Pilipinas kasama na din ang pag share ng blessing na ibinigay nya sa akin.




3 comments:
wow, asteeg! exciting naman. may this be the best vacation ever :-) welcome back to da pilipins!
salamat taroogs! yup i am also hoping sa bonggang bakasyon... super miss ko na kasi yung family ko. thanks 4 dropping by. :)
Late na late na 'ko sa pag-comment dito, hehe!
Nabasa ko kasi yung mga pagkaing binanggit mo sa nueva ecija,naalala at natakam tuloy ako dun sa sisig sa Odi's, yung nagtitinda rin ng lechon manok at liempo. Taga-Cabanatuan kasi yung wife ng pinsan ko kaya pumapasyal ako dun nung andun pa sila. :)
Isa pa palang gusto ko dun yung inantalang chicharon sa palengke, bumibili ako nun para pag-uwi ko ng manila dun ko na lang lulutuin.
Post a Comment